Suspensyon ng klase bukas sa Quezon, Idineklara


 

2014-07-15

 

 

Idineklara ni Governor David "Jay-Jay" C. Suarez bilang Chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Quezon bukas, July 16, 2014 dahil sa bagyong Glenda.

 

Ayon kay Governor Suarez ang pagdedeklara ng suspensyon ng klase ay para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sa buong lalawigan ng Quezon.

 

Inatasan na din ni Governor Suarez si Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer na siguraduhing nakahanda ang lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bawat bayan.

 

Ipinag-utos din ng gobernador ang preemptive evacuation sa lahat ng coastal barangay lalo’t higit sa mga bayang posibleng makaranas ng storm surge ayon sa Department of Science and Technology - Nationwide Operational Assessment of Hazards (DOST-NOAH), ito ay ang mga bayan ng Guinayangan, Burdeos, Calauag, Lopez, Gumaca, Buenavista at Quezon, Quezon.

 

Base sa pinakahuling ulat ng PAGASA, "at 4:00PM today, the eye of Typhoon Glenda was located based on all available data at 60km east of Legaspi City, Albay with maximum sustained winds of 130kph near the center and gustiness of up to 160kph with the movement of west northwest at 19 kph". (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK