Smart Info-Board sa Quezon Inilunsad


 

2014-07-07 03:51:35

 

 

Kaugnay ng paggunita ng National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo ay inilunsad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pakikipagtulungan sa SMART Communications Inc. ang Smart Info-Board noong July 7, 2014 sa Kapitolyo ng Quezon.

 

Ayon kay Richard Goce, Direct to Consumer Junior Operations Manager, ang Info-Board Service ay isang web-based solution na nagbibigay ng iba’t ibang SMS facilities na may iba't ibang kakayahan para sa pangangailangan ng isang komunidad.

 

Sa pamamagitan ng Info-Board, maaaring makatanggap ng feedback, komentaryo, suhestiyon, katanungan at iba pa; magbigay ng pangkalahatang impormasyon, panawagan at mga paalaala; makapagsagawa ng poll at survey; text broadcast sa lahat ng pre-registered smart subscriber.

 

Ayon pa kay Goce, ang info-board ay libreng ipagkakaloob sa PDRRMO ngunit ang pamamahala at control ay pangangasiwaan pa din ng SMART.

 

Ayon naman kay Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer, ang Smart info-board ay gagamitin ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pag-text blast ng mga mahahalagang impormasyon, paalaala at panawagan na maaaring matanggap ng mga Smart subscriber.

 

Ang pagkakaroon ng Info-Board Text Blast System ay upang mapabilis ang paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan. Ito ay resulta ng nilagdaang Memorandum of Understanding sa pamagitan ng Office of the Civil Defense at Smart Communicatios Inc. noong nakaraang taon.(Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK