Provincial Mangrove Day, Ipinagdiwang


 

2014-07-01 22:43:19

 

 

Ipinagdiwang sa ikalawang pagkakataon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Provincial Government - Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ang Provincial Mangrove Day noong June 30, 2014.

 

Ipinagdiwang ito sa pamamagitan ng muling pagtatanim ng mga bakawan sa bahagi ng Mangrove Experimental Forest sa Brgy. Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon.

 

Ayon kay Governor David "Jay-Jay" C. Suarez, ipinagdiriwang ang Mangrove Day sa lalawigan ng Quezon tuwing June 30 dahil sa tagumpay ng isinagawang Quezon's 2 in 1 noong June 30, 2012 kung saan mahigit 2.7 milyong bakawan ang naitanim sa loob ng isang araw.

 

Ipinagmalaki din ng gobernador ang pagkakasama ng Quezon's 2 in 1 sa evaluation para sa Galing Pook Award 2014.

 

Kaya naman, inatasan ni Gov. Suarez ang PG-ENRO na siguraduhing sa susunod na taon ng pagdiriwang ng Mangrove Day ay mararamdaman ito ng buong lalawigan ng Quezon hindi lamang ng pamahalaang panlalawigan.

 

"Dahil yung ginawa nating pagtatanim ng 2.7M mangroves sa loob ng isang araw, yun naman ay hindi para sa pamahalaang panlalawigan lamang, ang makikinabang dito ay lahat ng coastal community na napagtaniman natin", dagdag pa ng gobernador.

 

Ayon naman kay Manny Calayag ng PG-ENRO, ang proyektong ito ay bahagi ng hangarin ni Governor Suarez na maging maayos ang kinabukasan ng mga Quezonian sa ilalim ng programang Securing Quezon's Future.

 

"Upang panatilihing berde ng ating kapaligiran ay lagi po niyang binibigyan ng kaukulang instructions kung paano natin mas mapapayabong pa, mas mapapaganda at mapapangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman", ayon pa kay Calayag. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)


 
 
BACK