4 na Kawani ng PGSO, Binigyang Pagkilala


 

2014-06-25 08:36:13

 

 

Binigyang pagkilala ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial General Services Office (PGSO) ang apat na utility worker ng kanilang tanggapan sa isinagawang regular na Monday flag raising ceremony ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan noong June 23, 2014.

 

Ayon kay Engr. Rowell Radovan, Provincial General Services Officer ang pagbibigay ng pagkilala sa kanilang mga tauhan ay bilang pagpupugay sa mga ito na itinuturing na mga unsung heroes ng kapitolyo na inaabot ng madaling araw sa pagtatrabaho.

 

Ang mga binigyang pagkilala na tumanggap ng sertipiko at isanlibong piso ay sina Cesar Manto, Leo Recto, Edgar Pajulas at Arnel Morong.

 

Dagdag pa ni Radovan na ang mga kawaning ito ay mga nagbigay ng maayos at epektibong serbisyo sa larangan ng kalinisan at kaayusan sa kapitolyo sa lalawigan ng Quezon at gumagampan para sa masinop, malinis at berdeng kapaligiran.

 

Ayon naman kay Provincial Administrator Rommel Edano, marapat lamang na kilalanin ang mga naturang mga kwani hindi lamang para kilalanin ang galing at sipag kung hindi upang magsilbing inspirasyon sa bawat isang empleyado mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking ginagampanang tungkulin sa kani-kanilang tanggapan.

 

Ang pagbibigay ng pagkilala sa apat na kawani ay base sa panuntunan na itinatadhana ng Civil Service Commission. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK