Libreng Pagbabakuna Laban sa Rabis, Isinagawa sa Lucban


 

2014-06-24 16:27:48

 

 
Nagsagawa ng libreng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa laban sa rabis ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa paghahayupan sa bayan ng Lucban, Quezon noong ika-18 ng Hunyo, 2014.
 
Ayon kay Dr. Flomella Caguicla, Provincial Veterinarian, umabot sa 1,473 pusa at aso ang nabigyan ng libreng bakuna laban sa rabis sa tulong ng Philippine Society of Animal Medicine sa pamumuno ni Dr. Rosalina Dapitan, Bureau of Animal Industry,  DA-RFO 4A, volunteers mula sa College of Veterinary ng University of the Philippines Los Banos at ng pamahalaang lokal ng Lucban.
 
Ayon pa kay Caguicla na isinagawa nila ang naturang veterinary medical mission sa bayan ng Lucban dahil sa napatalang kaso ng namatay na bata dahil sa kagat ng sariling alagang aso.
 
Layunin din nito na suportahan ang adhikain ni Governor David "Jay-Jay" C. Suarez na maging Rabies Free ang buong lalawigan ng Quezon. Gayundin, bilang pakikiisa sa programa ng pamahalaang nasyonal na "Rabies Free Philippines".
 
Bukod sa pagbabakuna ng mga alagang aso at pusa, nagbigay din ang naturang tanggapan ng mga mahahalagang impormasyon sa mga pet owner ng tungkol sa pagiging isang responsableng tagapag-alaga ng hayop.
 
 
BACK