Iba’t Ibang Proyekto sa Mauban at Sampaloc, Hatid ni Gov. Suarez


 

2014-02-18 10:54:13

 

 

Pinangunahan ni Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang ribbon cutting at turn-over ng covered court sa Pambayang Kolehiyo ng Mauban sa Brgy. Polo at groundbreaking ceremony ng basketball court sa Brgy. Bagong Bayan, Mauban, Quezon noong ika-6 ng Pebrero, 2014.

Binisita naman ni Governor Suarez ang pinapagandang Sampaloc Municipal Park na ang pondong nagkakahalaga ng tatlong milyong piso ay nagmula sa pamahalaang panlalawigan na napanalunan ng bayan ng Sampaloc sa isinagawang Tax Campaign Drive na “Sa Bawat Pisong Buwis Mo, Katumbas ay Serbisyo”.

Ayon kay Governor Suarez, natutuwa siya sa bayan ng Sampaloc sa kabila ng pagiging maliit na bayan ay naging aktibo ito sa pagtugon sa tax campaign ng lalawigan kung saan nakamit ng bayan ng Sampaloc ang unang pwesto.

Binisita din ni Governor Suarez ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Core Shelter Project sa Brgy. Bilucao, Sampaloc, Quezon kung saan tumutulong ang mga Korean student volunteer.

Nagpasalamat si Governor Suarez sa mga Korean student volunteer dahil napili ang bayan ng Sampaloc na tulungan sa housing project ng pamahalaan na isang magandang halimbawa ng pagtutulungan.

Kasama sa pagbisita ng gobernador sina Vice-Governor Sam Nantes, Bokal Techie Dator ng Unang Distrito ng Quezon at ilang pinuno ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Provincial Administrator Rommel Edano, Jr. (Quezon PIO)

 

 
 
BACK