Pagpapalawak ng Kaalaman sa Cocolisap, Patuloy


 

2014-02-18 10:18:26

 

 

Patuloy ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa cocolisap sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor na pinamumunuan ni Roberto Gajo, Provincial Agriculturist.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng Awareness Campaign sa bayan ng San Antonio at ilang barangay sa lungsod ng Tayabas na Brgy. Ibabang Bukal, Ibabang Palale at Lakawan.

Ayon kay Gajo, ito ay isang mabilisang pagtugon sa problemang patuloy na kinakaharap ng mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon.

At bilang tulong ng pamahalaang panlalawigan at ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga magsasaka na naapektuhan ng nasabing peste sa Brgy. Ibabang Bukal sa lungsod g Tayabas ay namahagi ito ng 500 pcs. “coccinelid beetle”, isang uri ng kaibigan na insekto na makakatulong upang mapuksa ang mga kumakalat na scale insects.

Namahagi din ng mga power sprayer, dalawang drum, isang kahong dishwashing liquid, wood vinegar at iba pang fertilizer sa bayan ng San Antonio, Brgy. Ibabang Palale at Brgy. Lakawan sa lungsod ng Tayabas upang mapigilan ang paglaganap ng mga mapanirang insekto na dumadapo sa mga halaman, niyog, mangosteen at iba pang bungang-kahoy(OPA-Info. & Training Unit, Quezon PIO)

 

 
 
BACK