Disaster Contingency Planning ng Guinayangan, Isinagawa


 

2014-01-21 10:12:29

 

 

Nagsagawa ng dalawang araw na disaster contingency planning at hazard mapping ang bayan ng Guinayangan sa pamamagitan ng bumubuo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng naturang bayan sa pangunguna ni Mayor Cesar Isaac III at Vice-Mayor Eduardo Cambronero sa Queen Margaret Hotel noong January 16 – 17, 2014.

Sa layuning mapalakas ang disaster preparedness ng bawat bayan na isa sa pangunahing pinagtutuunan ng pansin ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez, sa tulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni Dr. Henry Buzar ay nagkaroon ng mga discussion at workshop para sa mga gagawing mitigation, preparedness, response, relief at rehabilitation sa bayan ng Guinayangan sa anumang kalamidad.

Tinukoy din ang mga barangay sa naturang bayan na mga maaaring maapektuhan ng iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng storm surge, pagguho ng lupa, pagbaha, sunog at iba pa. Gayundin, inalam ang mga kakulangang kagamitan na kailangang bilhin ng pamahalaang bayan ng Guinayangan para sa pagpapalakas ng disaster preparedness.

Ayon kay Dr. Henry Buzar, kailangang isama din sa naturang pagpaplano ng lahat ng disaster council ang climate change adaptation na itinatadhana ng Republic Act No. 9729 o Climate Change Act of 2009.

Ayon naman kay Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na bahagi ng paghahanda ng gagawin ng pamahalaang panlalawigan ngayong taong ito ang pagpapalakas ng mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at ibababa sa mga barangay.

Dagdag pa ng gobernador na ito ay para alam ng mga kapitan ang mga gagawin sa paghahanda, paglilikas, kung saan dadalhin kapag may warning ng kalamidad sa anumang bayan, at kung may katulad ni Yolanda mang tatami sa Quezon ay handa ang lalawigan, handa ang mga bayan at handa ang mga barangay.

Palalakasin din ang paghahanda sa anumang kalamidad sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga evacuation center sa lahat ng bayan ng sa gayon ay hindi mga paaralan at covered court ang nagagamit na hindi minsan ligtas sa mga lumilikas(Quezon PIO)

 

 
 
BACK