Paghahanda sa Kalamidad, Palalakasin


 

2014-01-14 09:34:34

 

 

Aminado si Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na kung ano mang paghahanda ang ginagawa ng pamahalaang panlalawigan sa kalamidad ay walang saysay sa ngayon dahil sa malakas na bagyong dumaan sa bansa noong nakaraang taon.

Ayon kay Governor Suarez, nagsilbing wake-up call sa lalawigan ng Quezon at sa lahat na lokal na pamahalaan sa bansa ang bagyong Yolanda na naminsala sa malaking bahagi ng Visayas.

Ayon pa sa gobernador na kung pagbabatayan ay ang preparedness program na ibinigay ng nasyonal na pamahalaan ay hindi ito sapat at kailangan itong i-improve at mas palakasin.

Ipinagbigay-alam din ng gobernador na nagkaroon na sila ng pagpupulong ng mga mayor tungkol sa pagpapagawa ng mga evacuation center kung saan uunahin ang mga bayang malimit tamaan ng bagyo.

Ipinahayag din ng gobernador na hindi na siya pabor na gawing evacuation center ang mga paaralan at covered. Kapag sinabi aniyang evacuation center ay kailangang ligtas ang mga taong inililipat dito. (Quezon PIO)

 

 
 
BACK