Gov. Suarez, Satisfied sa Performance ng QPPO


 

2014-01-14 09:32:48

 

 

“Overall I’m very happy and satisfied”.

Ito ang naging pahayag ni Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez tungkol sa naging accomplishment ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) sa pamumuno ni Provincial Director PS/Supt. Ronnie Genaro Ylagan sa isinagawang New Year’s call ng lahat ng mga chief of police ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Governor Suarez, dahil sa magandang accomplishment at performance ng QPPO sa pamumuno ni Ylagan ay ginawa na niya itong full pledge provincial director ng Quezon.

Pinagbasehan ng gobernador ang kaayusan at katahimikan sa buong lalawigan ng Quezon kabilang na dito ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga, matagumpay na barangay election at payapang pagdiriwang ng holiday season.

Sa usapin aniya ng barangay election ay malaki ang hinarap na challenge ng kapulisan dahil noong 2010 barangay election ay ang lalawigan ng Quezon sa CALABARZON ang nakapagsagawa ng safe at honest election, na muli namang pinatunayan ng lalawigan sa natapos na 2013 barangay election sa tulong ng pulisya.

Sa nakaraang pagdiriwang naman ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon ay malaki ang ibinaba ng bilang ng mga biktima ng paputok at ligaw na bala sa buong lalawigan kumpara noong nakalipas na taon sa tulong pa din ng pulisya.

Samantala, ipinaalala ng gobernador sa mga hepe ng pulisya sa bawat bayan at kay Ylagan na sa pagsisimula ng Bagong Taon ay maraming problema ang kakaharapin ng lalawigan kabilang na dito ang kumakalat at lumalaganap na ipinagbabawal na gamot, mas paigtingin pa ang kampanya sa mga illegal logging, fishing, at iba pang illegal na gawain na makakasira sa katahimikan at kaayusan ng lalawigan Quezon. (Quezon PIO)

 

 
 
BACK