Mahigit sa Walong Gramo ng Bawal na Gamot Nasabat ng mga Otoridad sa QPJ


 

2012-11-29 17:03:05

 

 

 

May timbang na 8.42 grams naipinag babawal na gamut ang napasakamay ng mga otoridad buhat sa suspek na si Joselito Forneste, 46 anyos at residenteng Barangay 2, Mulanay, Quezon matapos na tangkain nitong ipuslit papasok sa Quezon Provincial Jail (QPJ) noong ika-21 ng Nobyembre 2012.

Ang nasabing suspek ay dating nakasuhan sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot at napawalang sala ito noong ika-10 ng Oktubre 2012. Ayon kay SJO3 Edgardo Bautista Chief Operation ng QPJ, pangalawang beses ni Fornes te ang ginawang pagbisita sa dati nitong mga kakosang mahulihan itong ipinagbabawal na gamut na may katumbas na halagang 40,000.00 Piso.

Nakapagtal rin ng mahigit sa 20 katao na nahuli matapos na magtangkang magpuslit ng sigarilyo papasok sa loob ng piitan upang ipagbili sa mas mataas na presyo. Tinatayang aabot sa 51,800.00 Piso na halagang sigarilyo ang nasabat ng mga Jail Warden, isa narito ang nakalagay sa loob ng inukit na kahoy upang mapagkasya ang mga sigarilyong nakatakdang ipuslit.

Nagkakahalagang Php 35.00 ang isang pirasong sigarilyo sa loob ng piitan ayon kay SJO3 Bautista kaya’t pinipilit ng iba na makapagpasok ng sigarilyo kahit namahigpit itong pinagbabawal.

May nakumpiska rin nawalong Cellular Phone na dapat ay ipapasok sa loob ng nasabing piitan upang gamitin ng ilang mga detinado, ang mga nahulihan ng mga ipinagbabawal ng batas ay mapapatawan ng kaukulang parusa batay sa  itinakda ng batas.

Ayon pa rin kay SJO3 Bautista, hindi lamang ang mga inmates at mga dumadalaw ang posibleng maharap sa kaparusahan sakalingl umabagang mga ito sa batas kundi maging ang mga tauhan ng panlalawigang piitan ay maaari ring makasuhan batay sa kanilang ginawang paglabag.

Bago pa man makapasok sa loobang QPJ ay binibigyan na ng tagubilin ng mga bantay sa gate nito para sa mga pagbabawal na dadalhin sa loob ng nasabing piitan o sa mga bawal na Gawain upang maiwasan ang anomang kaguluhan.(QUEZON PIO)

 
 
BACK