SPECIAL REPORT: Holdaper Nasakote ng mga Guwardiya ng Kapitolyo


 

2012-10-01 17:14:14

 

 

Isang holdaper ang nahuli sa tulong ng mga night shift na guwardiya ng Quezon Capitol noong nakaraang Setyembre 22, mga 10:30 ng gabi.

Ang mga guwardiya na sina Ronie Boy Anonuevo Rivadenera, 27 taong gulang na taga Brgy. Market View, Lucena City at si Rodney Vegamora Isles, 40 taong gulang na taga Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City, ay agad rumesponde noong may naglapit at nagsumbong sa kanila na isang tricycle driver na may hinoldap umano sa may dating Ocean Palace Mall.

Kaagad na ini-radyo ng dalawa ng guwardiya ang kanilang mga kasamahan na sina Ernesto Garcia, Felipe Navarro, Christopher Reyes, Geronimo Quintana, Arnold Escara, Ariel Centeno upang masakote ang tulisan.

Itinurong nagsumbong na tricycle driver ang isang lalaki na mabilis na naglalakad papuntang Brgy. Cotta. Ang lalaki, na napag-alamang isang Jerome Custudio Derelo, 24 taong gulang, ay agad kumaripas ng takbo ngunit naabutan naman ng mga tumugis na sina Rivadenera at Islessa may PNR Compound, Brgy. Cotta, Lucena City.

Nang si Derelo ay kanilang naabutan, agad siyang inaresto at nakuha sa kanyang bulsa ang isang homemade Caliber 22 Revolver Magnum 5-Shooters, serial number UT 84660 at limang pirasong bala. Nakuha din mula kay Derelo ang isang pambabaeng pitaka na kulay pula at isang cellphone na Samsung Galaxy Y na pag-aari ng  isang John Lloyd Monder.

 
 
BACK