Quezon Governor David "Jayjay" C. Suarez Tumanggap ng Parangal mula sa Department of Education


 

2012-09-28 12:38:49

 

 

"I believe that investing in the minds of the youth is the best and most sound investment that our province can make" Gov. David "Jayjay" C. Suarez.

Binigyan ng parangal si Gov. Suarez mula sa nasyunal natanggapan ng Department of Education sa Lungsod ng Pasig noong September 27, 2012 na ginanap sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Complex.

Ang parangal ay ipinag kaloob ni DepEd Sec. Armin A. Luistro, FSC kay Gov. Suarez bilang pagkilala sa suportang ibinibigay nito sa kanilang Departamento sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mahigit 40 Computer Laboratories, 800 Computer Units, 80 Air conditioned Units, 20 Units ng LCD Projector at Learning Support tungo sa  pagkakaroon ng kalidad ang edukasyon sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pagtugon sa Adopt-A-School Prograngal.

Sa mensahe ni Sec. Luistro "Yung mga nandito ngayon ay yung may mga pangarap, puso at paninilbihan na tumututok sa pangangailangan ng inyong mamamayan. 

Dahil sa malinaw na direksyon ng masipag at mahusay na gobernador, nagiging maayos at organisado ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa edukasyon.

Sa kasalukuyan, may mahigit na Limang libong scholars sa ilalim ng Serbisyong Suarez Scholarship Program. Dahil malapit sa puso ng gobernador ang mga kabataan, binigyan nya ng pagkakataon ang Ibang kabataan na hindi nakapasok sa scholarship program dahil sa hindi nito naabot ang grading na hinihingi ng programa kung kaya't pinababa na sa 80% na lamang kumpara sa dating 85%.

Dahil naniniwala si Gov. Suarez na kapag nag invest tayo sa utak ng mga kabataan, yan ang pinakamagandang investment na maibibigay ng ating lalawigan sa kanila at maging competitive hindi lamang sa pagiging English proficient at Computer Literate kundi maging sa pagkakaroon ng trabaho matapos ng kanilang pag-aaral.

Patuloy pa rin ang pagpapatayo ng mga school buildings kabilang na ang mga Computer Laboratories sa iba't-Ibang pampubliko na paaralan at iba't-Ibang kagamitan.

Isang karangalan para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang makatanggap ng ganitong klaseng parangal. Patunay ito na may maayos at malinaw na direksyon ang ating butihing gobernador sa programang edukasyon sa buong lalawigan ng Quezon na kinilala ng Department of Education.(Quezon PIO)

 
 
BACK