SERBISYONG SUAREZ Summer Camp 2012


 

2012-05-22 12:59:17

 

 

 

Mainit at masiglang sinalubong  ng mga Serbisyong Suarez Scholars sina  Quezon Gov. Jayjay C. Suarez at  kanyang maybahay na si First Lady Anna V. Suarez sa ginanap na pormal na seremonyas ng pagbubukas ng Summer Camp 2012 na idinaos noong ika-18 ng Mayo sa Quezon Convention Center, Lunsod ng Lucena. 

Si First Lady Anna V. Suarez ay nagbigay ng  talumpati sa harap ng mahigit 2,000 Serbisyong Suarez Scholars  at nagsilbing inspirasyon sa mga kabataan na dumalo sa pormal na seremonyas ng pagbubukas ng Summer Camp 2012. Ang 3-day Summer Camp 2012 na ginanap sa magkakaibang lugar ay kinapapalooban ng iba’t-ibang gawain tulad ng Public Speaking, Creative Writing, Career Orientation, Rapelling, Broadcasting, Computer, at iba pa na kung saan pinamumunuan ng mga mahuhusay na speakers at trainors.

 

 
 
BACK