Mga Kaganapan sa Quezon Provincial Women’s Month Celebration 2012


 

2012-04-02 11:18:35

 

 

 

Sa pangunguna ni KALIPI President Anna V. Suarez at Quezon Gov. David “Jayjay” C. Suarez, isinagawa ang Women’s Month Celebration noong ika-30 ng Marso 2012 sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa na pinamunuan ni Rev. Msgr. Leandro Castro.  Nagsagawa ng KALIPI Street Dancing Competion na nilahukan ng iba’t ibang bayan sa Quezon kung saan hinirang na kampeon ang bayan ng Lopez na nagtamo ng P 40,000 piso at tropeo,  1st  Runner Up ang Mauban, Quezon na nakatanggap ng P 30, 000 piso at tropeo.

Binigyan din ng parangal ang iba’t ibang bayan sa Quezon bilang Outstanding Municipal Gender and Development Council-C/MGADC. Nakamit ng bayan ng Macalelon ang pagiging 4th Class Municipality Outstanding Municipal Gender And Development Council-C/MGADC. Ginawaran ng 1st class Municipality Outstanding Municipal Gender And Development Council-C/MGADC ang mga sumusunod na bayan: Gumaca - 4th Place,  Mauban – 3rd Place,  Lopez – 2nd Place at ang Tayabas bilang 1st Place.

Binigyang pugay rin si PFC Lerma D. Bulaklak, natatanging kababaihan na itinanghal bilang Woman Peace Advocate.

Ang nasabing pagdiriwang ay binigyang sigla ng Bandang Hotdog sa pangunguna ni Rene Garcia na nagdagdag ng kagiliwan at kasayahan sa kanilang ipinamalas na tatak na musika sa Variety Show handog ng Serbisyong Suarez. Masayang nakipagsayawan ang mga kababaihan sa saliw ng musika ng nasabing banda.

 
 
BACK