San Luis Development Cooperative


 

2012-03-28 09:10:23

 

 

 

Nagpahayag ng paghanga at pagbilib si Quezon Gov. Jayjay C. Suarez sa San Luis Development Cooperative dahil sa taglay na katatagan ng kooperatiba sa pagiging aktibo sa loob ng 44 na taon at sa patuloy na pagdami ng kanilang mga kasapi. Humgnga rin si Gov. Suarez sa kanilang pagkakaroon ng bagong 3 palapag na gusali na magsisilbing opisina ng nabanggit na kooperatiba. Si Gov. Suarez ang nagsilbing Pangunahing Tagapagsalita sa ginanap na 44th Annual General Assembly na may paksa na: “Dahil sa Inyo, SLDC Patuloy ang Pag-asenso” na naganap noong ika-26 ng Marso sa RPN Covered Court, Lucban, Quezon.

 
 
BACK