Muslim Islamic Association of Lucena City


 

2012-02-22 08:37:51

 

 

Ang masinsinang pag-uusap sa pagitan ni Quezon Gov. Jayjay C. Suarez kasama si Exec. Assistant II Diony Rodolfa(kaliwa) at ng Muslim Islamic Association of Lucena City sa isang bahagi ng Governor’s Office noong Pebrero 17; ipinahayag ng Muslim Community ang buong pagsuporta nila sa Serbisyong Suarez at handa silang makipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan at ang pagkakaroong ng isang pampublikong libingan ang isa sa mga idinulog nila kay Gov. Suarez sapagkat matinding suliranin nila ang paghahatid sa Mindanao ng namayapa nilang kapatid. Ipinahayag naman ni Gov. Suarez na kasalukuyan nang pinag-aaralan at naghahanap na ng lupain sa maaaring paglagakan ng libingan para sa sumakabilang buhay na Muslim na nandito sa lalawigan ng Quezon. 

 
 
BACK