Gumaca ang 'Da Best


 

2011-08-22 23:04:36

 

 

Nakamit ng bayan ng Gumaca ang tagumpay bilang Unang Gantimpala sa best booth sa Agri-Tourism Exposition 2011 na may temang “Niyog: Yaman ng Quezon, Quezonians Magkakausong” na nagpakita at nagpamalas na kanilang Kultura at produkto.  Iginawad ni Quezon Gov. David “Jayjay” C. Suarez ang tseke na 3million worth of project at P20,000 gantimpala noong Agosto 19 sa Perez Park Lunsod ng Lucena. Samantala natamo ng bayan ng Lopez ang ikalawang Gantimpala na 2million worth of project at bayan ng Sariaya sa ikatlong puwesto na may 1million worth of project na may tig-P20,000 at P100,000 worth of project naman sa 30 bayan na lumahok.

 
 
BACK