SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE VALIDATION PARA SA LALAWIGAN NG QUEZON, ISINAGAWA


 

2017-08-25

 

 

Isinagawa ngayong ika-25 ng Agosto 2017 sa Governor’s Office Conference Room, Lucena City ang pagsisiyasat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) na dinaluhan ng mga evaluators mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

Bilang simbolo ng integridad at mabuting pamamahala, ang SGLG ay naglalayong magbigay ng pagkilala sa mga natatanging lokal na pamahalan at kanilang mga best practices – alinsunod sa mga prinsipyo ng malasakit, pagbabago, at patuloy na pag-unlad.

 

Ngayong 2017, itinaas ng DILG ang pamantayan ng kanilang inspeksyon. Bukod sa  larangan ng Financial Administration, Disaster Preparedness, at Social Protection, idinagdag ang kategorya ng Peace and Order. Kasamahang susuriin din ang Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Management, at Tourism, Culture and the Arts.

 

Matapos makapanayam ang mga hepe ng tanggapan at siyasatin ang mga nakasumiteng ulat, nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga pasilidad ng pamahalaang panlalawigan. Inaasahan na lalabas ang resulta ng pagsusuri sa Oktubre ng taon ding ito.

 

Bilang mga panuhin, naroon sa nasabing kaganapan sina DILG Provincial Director Lionel L. Dalope, 201st Brigade Commander Col. Elias H. Escarcha, QPPO Provincial Director P S Supt. Rhoderick C. Armamento, DepEd Education Program Supervisor Elizabeth M. De Villa, at iba pa.

 

Mula naman sa panig ng Pamahalaang Panlalawigan, naroon sina Provincial Planning and Development Office OIC Odessa Perez, Human Resource Management Officer at Provincial Disaster Risk Reduction Management Action Officer Henry M. Buzar, Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia S. Leyson, at mga kinatawan ng mga tanggapan ng Budget, Gender and Development, Treasurer, General Services at Environment and Natural Resources. (Quezon PIO)

 
 
BACK