Niyogyugan Kusineros Quezon


 

2017-08-18

 

 

Nagtagisan ng talento sa pagluluto ang mga grupo ng Quezonians ngayong ika-18 ng Agosto sa harap ng Quezon Convention Center. Sa suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez at sa pangunguna ng Provincial Tourism Office, isa-isang nagpamangha ng kani-kanilang masasarap na putahe ang sampung grupo na nakibahagi sa nasabing patimpalak. Wagi sa kategorya ng Best Dessert ang mga kalahok ng RIC mula sa Pagbilao at naging kampyonato naman ang mga kalahok ng Bread and Butter Coffee Café mula sa Lucena na sinungkit ang pagkapanalo sa tatlong kategorya ng Best Appetizer, Best Refreshment at Best Main Course. (Quezon - PIO)

 
 
BACK