Medical at Dental mission, isinagawa sa BJMP


 

2016-08-17

 

 

 

Muling naghandog sa may 858 na detinado ng Bureau of Jail Management and Penology ag serbisyong medikal at dental ang pamahalaang panlalawigan noong ika-17 ng agusto, taong kasalukuyan.

 

Pinangunahan ni Provincial Administrator Rommel Edano ang nasabing aktibidad katulong ang mga kawani ng Quezon Medical Center at ibang departamento ng panlalawigan upang masubaybayan at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat detinado sa piitan.

 

Nais ng ating butihing gobernador na mabigyan ng magandang pasilidad ang mga nasa bilango kaya’t naghandog siya ng isa pang gusali para sa mga ito.

 

Bukod sa serbisyong medikal at dental, pinamahagian din ng gamot ang mga bilango upang mapanatili ang kanilang malalakas na pangangatawan at maprotektahan ang sarili laban sa sakit na maaring makuha sa loob ng kulungan. (Quezon PIO)

 
 
BACK