Niyogyugan Festival 2016 aarangkada na


 

2016-08-17

 

 

Pormal ng bubuksan ang Niyogyugan Festival 2016 sa dakong alas tres mamayang hapon na pangungunahan ni Gov. David Suarez katuwang ang Niyugyugan Chairperson na si Kgg. Aleta C. Suarez, mga kinatawan ng distrito at mga lokal na opisyal na gaganapin sa Provincial Capitol Compound, Lungsod ng Lucena.

 

Ito na ang ika-4 na pagkakataon na iseselebra ang taunang Niyugyugan Festival 2016 na sinimulan noong 2012 na tinuturing na mother of all festivals sa Quezon.

 

Ang Niyogyugan Festival ay mula sa likhang isip ni dating Congresswoman ng bundoc peninsula Aleta C. Suarez na layuning pagisahin ang mga festival mula sa 39 na bayan at 2 syodad ng Quezon sa iisang okasyon.

 

Sa August 19 naman ang mass and flower offering bantayog ni dating pangulong Manuel Luis Quezon, sa August 20 (Sabado) gaganapin ang Hands on Demo on Coco Fiber Utilization, Sa August 21 (Linggo) ang Lecture on Lambanog Processing, sa August 23 (Martes) at matutunghayan ang live coverage ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN ch.2  sa ganap na 5:30 ng umaga at kasunod ang araw ng pamilyang magsasaka.

 

Katatampukan din ito ng mga sikat na TV and movie personalities katulad ni Bamboo at ABS-CBN’s Hashtag na makikiisa sa Coco jam celebration sa August 24 at 25, Inigo Pascual na haharanahin ang mga Bb. Niyogyugan sa August 26 at Daniel Matsunaga at Arci Munoz sa Grand Parade and Float Competition sa August 27.(Quezon PIO)

 
 
BACK