1st Provincial Dugong Quezon Awards 2016


 

2016-08-15

 

 

Nakalikom ng 295 blood bags sa Bloodletting Activity kaalinsabay sa 1st Provincial Dugong Quezon Awards 2016 na bahagi sa pagdiriwang ng ika-138TH na kapanganakan ni dating pangulong Manuel Luis Quezon noong August 15, 2016.

 

Umabot sa 495 ang nagboluntaryong makunan ng dugo mula sa mga empleyado ng panlalawigan, religious group, national government agency, Rural Health Units at Civic organizations.

 

Pinagtulung-tulungan itong maisagawa na pinanguhanan ni Dra. Ana Maria Martinez, ang Quezon Medical Center Blood Bank Provincial Coordinator at ni Dr. Rolando Padre, ang Chief of Hospital ng QMC.

 

Ayon kay Dr. Padre, ang nalikom na dugo ay magagamit sa panahon ng pangangailangan lalo na kung may kalamidad o sa sitwasyon ng kagipitan na makapagdudugtong ng buhay ng isang tao o pasyente.

 

At bilang pagsuporta ng mga blood donors ay pinagkalooban ang may 81 blood donors na Galloner Award makaraang sila ay makapagbigay ng dugo ng siyam na beses, Kasangga Award para sa Kabalikat Civicom sa kanilang boluntaryong pagsuporta sa programa, Masigasig Award naman ay ipinagkaloob kay Dr. Padre, dahilan sa masidhing paghihikayat niya na makakolekta ng dugo mula sa mga donors at ang Dugong Quezon Award ay ibingay sa Outstanding Local Gov’t Executive (o Sandugong Award) na tinanggap ng apat na local government employees sa aktibong nakibahagi sa bloodletting campaign simula pa noong Enero 1 hanggang Desyembre 31, 2015.

 

Sa mensahe na ipinaabot ni Provincial Administrator Rommel Edano na kumatawan kay Gov. David Suarez na ang blood donation day ay araw ng mga makabagong bayani na sa maliit na pamamaraan ay nakapagbigay ng panibagong pag-asa sa mga nangangailangan na may sakit na kababayan.

 

Dagdag pa ni Edano, hangad ni Gov. Suarez at may bahay niyang si ALONA partylist representative Anna Villaraza-Suarez na makapagbigay ng kanilang buong suporta lalo’t higit sa health program na isinagawa sa Quezon.

 

Ibinalita naman ni Dra. Martinez na magsasagawa muli ng 2malakihang bloodletting activity na itataon sa mismong araw ng kapanganakan ni Quezon, August 19, 2016. (Quezon PIO)

 
 
BACK