Adopt-A-School Project, muling sinimulan


 

2016-08-10

 

 

Sinimulan ng muli ng tanggapan ng Provincial Government-Environment Natural Resources Office sa pamumuno ni Manuel Gene Beloso ang Adopt-A-School Project para sa mga pampublikong paaralan makaraang piliin ang Quezon National High School ang unang inampon noong Agosto 5, 2016.

 

Ang pakay ng nasabing programa ay upang mabantayan ang mga aktibidades at mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran, lalu na ang pagtatapon ng mga basura sa tamang lugar.

 

Ang adopt-a school project ay sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez,  ang mabisang paraan para tugunan ang idinadaing ng mga guro at principal sa problema ng kanilang paaralan hinggil sa kalinisan.

 

Magkatuwang ang mga magaaral ng QNHS at kawani ng pamahalaang panlalawigan sa paglilinis at itinutoro din ang sistema ng pagsesegraga ng mga basura.

 

Ang layunin ng proyekto ay base sa naisin ni Gov. David “JayJay” C. Suarez na makapagbigay ng isang magandang ehemplo at magsilbing modelo ang QNHS sa iba pang paaralan sa Quezon at maging sa CALABARZON region.

 

Tatlong buwan ang takdang panahon na inilaan ni Beloso para sa QNHS para  mapalaganap ang usapin tungkol sa kalinisan ng paaralan.

 

Lubos naman nagpasalamat ang punong guro na si G. Alcantara sa suportang ibinigay ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Suarez sa QNHS.(Quezon PIO)

 
 
BACK