2nd Barangay Nutrition Convention sa Quezon


 

2016-08-08

 

 

inagkalooban ng pagkilala ang ilang natatanging barangay nutrition scholars at opisyal sa kanilang natatanging pagganap sa kanilang tungkulin sa ginanap na barangay nutrition scholars convention sa Quezon Convention Center noong August 5, 2016.

 

Si Quezon governor David “JayJay” C. Suarez, ang nanguna para makasalamuha ang mga barangay nutrition scholars, municipal nutrition action officers, Provincial Multi-sectoral committee at barangay nutrition council mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon.

 

Tumanggap ng parangal mula sa category A- 1st and 2nd Class Municipality: Pinarangalan bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar mula sa Brgy. Malusak Atimonan si Ma. Theresa B. Fornasa na nagkamit ng P40, 000, Outstanding Barangay Nutrition Council mula sa Brgy. Opias, Tayabas City ang OPIAS  Barangay Nutrition Council na nagkamit ng P80, 000,Outstanding Municipal Nutrition Action Officer mula sa Tayabas si Marinela Z. Chong na nagkamit ng P40, 000 at Outstanding Municipal Nutrition Council sa Bayan ng Atimonan na nagkamit ng P200,000.

 

Para sa category B-3rd, 4th and 5th Class Municipality: Itinanghal bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar mula sa Brgy.  Binagbag Agdangan si Susan A. Molina na nagkamit ng P40,000, Outstanding Barangay Nutrition Council mula sa Brgy. Sangirin Perez Quezon Sangirin Barangay Nutrition Council na nagkamit ng P80, 000, Outstanding Municipal Nutrition Action Officer mula sa panukulan si Dr. Ma. Cecilia N. Sarganto na nagkamit ng P40, 000, at Outstanding Municipal Nutrition Council ang bayan ng Alabat na nagkamit ng P200,000.

 

Sa mensahe ni Gov. Suarez sinabi niya na ang probinsya ng Quezon ang may pinakamaganda at maayus na nutrition program na naipatupad .

 

Ayon pa sa kaniya, ang Quezon ang  naunang nagpatupad ng programang Isang libong araw ng buhay ng isang tao bago pa ito maging programang pangnasyusal na isinasagawa ng National Nutrition Council ng Department of Health.

 

Naging panauhin din si ALONA-partylist Representative Anna Villaraza-Suarez na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa pagpapalaki ng kaniyang tatlong anak sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at kalusugan.

 

Naging panauhin din sina former senator Ferdinand Marcos Jr., Carlo Villafranca na kumatawan kay Vice-Gov. Sam Nantes, Regional Nutrition Program Coordinator (Calabarzon) Carina Z. Santiago, board members Beth Sio, Dorai Tan, Jerry Talaga, at Raquel Mendoza.

Ang nasabing programa ay may layunin bigyan ng gabay ang mga mamamayan at lalu’t higit sa mga buntis ng Quezon para mapangalagaan ang kanilang kalusugan. (Quezon PIO)

 
 
BACK