Provincial Badminton Sports Fest, umarangkada na


 

2016-08-03

 

 

Sinimulan na ang Provincial Sports Fest Badminton Tournament 2016 ng mga piling empleyado ng gobyerno ng quezon na ginanap sa badminton court ng kapitolyo noong August 2, 2016.

 

Kumatawan para kay Gov. David “JayJay” C. Suarez si Provincial Chief of Staff Webster Letargo na nagpahatid ng mensahe sa pangalan ng gobernador.

 

Ayon kay Letargo, ang paligsahan ay para maisaisip ang magkaroon ng tamang istilo para mapanatili ang maayos na pangangatawan.

 

ang turneyo ay binuo ng 6 na cluster na maglalaban laban sa dalawang kategorya; doubles and mixed doubles.

 

Ang layunin ng torneyo ay upang magkaroon ng kamaradiri ang bawat kawani ng pamahalaang panlalawigan. (Quezon PIO)

 
 
BACK