Gov. Suarez, muling namahagi ng agricultural Inputs, at iba pa sa Agdangan


 

2016-08-03

 

 

Itinuloy muli para sa ikatlong termino ni Governor David C. Suarez ang pamamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng health coupons, agricultural inputs, farm machineries, postharvest facilities at patrol tricycle sa bayan ng Agdangan noong July 29, 2016.

 

Ang mga farm assistance ay ang isang corn sheller, isang hand tractor, isang rice thresher, 20 sako ng certified Seeds, apat ng grass cutter,  isang power sprayer, 10 knapsack sprayer, 10 plastic drums, 90 bags ng Ammosul, isang motorized fiberglass banca, anim na paddle fiberglass banca, 10 bags ng hybrid corn seeds, 10 bags ng Urea, 10 bags complete fertilizer, 50 bags organic fertilizer, 35 packs Bio-N, 5 gal Glyphosate, 5L 2-4-D, 5L insecticides, 30 packs Zinc Phosphide, 5L foliar at isang patrol tricycle.

 

Ang mga Health Coupons ay tinanggap ng mga punong barangay ng nasabing bayan na ang bawat isang barangay ay may 25, 000 halaga ng kupon na magsisilbing pambayad sa gamot at sa serbisyong medikal mula sa mga pampublikong pagamutan.

 

Bukod pa dito, isinagawa ang pagbabasbas at inagurasyon ng 3-storey Municipal function hall building.

 

 Ang nasabing gusali ay pagdarausan ng ibat ibang aktibidad lokal na pamahalaan, ang unang palag ay magsisilbing evacuation center, pangalawa ay magiging opisina ng mga opisyales ng munisipyo at mayor, at ang ikatlong palapag naman ang magsisilbing session hall.

 

Ninanais ni Gov. Suarez na sa pamamagitan ng nasabing program ay maibahagi at maiparating ng pangprobinyang pamahalaan ang pangunahing serbisyo panglipunan, palawakin  at mapaunlad ang sakahan na pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay sa naturan bayan. (Quezon 

 
 
BACK