Bakuna kontra rabies sa 1,352 aso at 117 na pusa, isinagawa sa 3 bayan ng Quezon


 

2016-07-29

 

 

May 1, 468 na aso’t pusa mula sa bayan ng Atimonan, Macalelon at Mulanay ang nabigyan ng libreng bakuna sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng Provincial Veterinarian Office.

 

 

 

 Ayon kay Dr. Milcah Valente at ang mga bumubo ng grupong OPV Rabbies Team na sina Brian Reynoso, Warren molera, Lilibeth Ilagan, 25 barangay mula sa nabanggit na mga bayan ang kanilang pinuntahan para sa bakuna kontra rabbies.
 

 

 

 Ito ay upang masigurado ang mga kapapakanan ng tao sa kanilang mga alagang hayop.
 

 

 

 Kabilang naman sina Gerald M. Verastigur,Rodel A. Lomeda, Nieves P. Sarte at Edwin G. Abao sa mga sinanay ng tatlong araw upang maging Municipal Animal Rabies Vacinators ng lalawigan.
 

 

 

 Layunin ng programang ito ay ang suportahan ang adhikain ni Governor David “JayJay” C. Suarez na maging rabies free ang buong lalawigan ng Quezon at makiisa sa programa ng pamahalaang nasyonal na “Rabies Free Philippines”. (Queon PIO)
 
 
BACK