Samahan ng Magniniyog sa Quezon 2016, Itinatag


 

2016-07-29

 

 

Isang samahan ang binuo ng mga magniniyog sa iba’t ibang bayan sa Quezon upang magbantay at aagapay sa industriya ng pagniniyog.

 

Kaugnay nito sinuportahan ni Gov. David Suarez ang Coconut Development Division sa pamamahala ni PAO Roberto Gajo na may 203, 806 farmers at farmworkers at may mahigit 62, 731 na milyong puno ang naitanim sa Quezon base sa naitalaga ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 
 Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kinatwan ng mga magniniyog sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at mga piling kawani ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.
 
 
 Ang mga naitalagang pinuno ng Provincial Federation of Coconut Farmers Association ay sina; Rodrigo Magtibay bilang pangulo ng Tayabas, Boy Arpia bilang pangalawang pangulo ng Candelaria, Crisanta Ilagan bilang kalihim ng Tiaong, Alma Quitales bilang Ingat Yaman ng P. Burgos, Pasita Absolio bilang tagasuri ng Lucban, at mga Tagapagbalita (District Representative) na sina Jocelyn Alvarez ng Pagbilao, Nestor Marabe ng San Antonio, Evangeline De Luna ng Unisan at Romeo Obejas ng Guinyangan na sinubaybayan ni Redempta DR Querubin-Chief, OPA Coconut Division.
 
 
 Nabanggit sa pagpupulong ang mga maaring gawing produkto na makukuha mula sa puno ng niyog katulad nalang ng Virgin coconut oil, cooking oil, Coconut Flour, Coconut Chips, Coconut Sap Sugar, Coco syrup, Coco spread, Coco Cheese, Coco yogurt, Coco Skimmed Milk, Buko water drink, Coco Vinegar and toyo at gayundin ang Coco Furniture, Charcoal, Handicraft, Fiber at Geonet.   
 

 

 Kasabay nito ang paglalahad ng mga progama ng Pamahalaang Panlalawigan sa sektor ng pagniniyugan sa Quezon kabilang ang Coconut Rehabilitation, Coconut Enterprise Development, Integrated Pest Management, at Coconut Farmers Empowerment. (OPA Info. Training Unit/Quezon PIO)
 
 
BACK