Agricultural Equipment and inputs, Patrol tricycles at Construction Materials at health coupon, ipinamahagi


 

2016-07-12

 

 

TUMANGGAP ng health coupons, Agricultural Equipment and inputs, Patrol tricycles at Construction Materials ang mga bayan ng Pagbilao, Sariaya at Tayabas City sa ilalim ng Serbisyung Suarez na personal na ipinamahagi ni Governor David “Jayjay” C. Suarez  noong July 12, 2016.

 

Kabilang sa ipinamahagi ang 4-Wheel Drive Tractor, Flat Bed Dryer, Hand Tractor, Corn Sheller, Cultivator, Certified Seeds, Weighing Scale, Grass Cutters, Grain Moisture Meter, Greenhouse with Sprinkler System, Lagundi Seedlings, Knapsack Sprayer, Plastic Drums, Ammonium Sulfate, Thresher, Shredding Machine, Power Sprayer, Shallow Tube Well, Paddle Banca (Fiber Glass), Motorized Banca, Patrol Tricycle na nagkakahalaga ng P24, 199, 432.18.

 

Layunin ni Gov. Suzrez na makatulong sa mga magsasaka at bahagi ng pamahalaan panlalawigan na mas mapalawak pa ang programang pang agrikultura.

 

Hiniling naman ni Gov. Suarez sa Sanguniang Panglungsod ng Tayabas na tukuyin ang growth potential areas ng bayan at ipasa sa provincial government dahil lahat ng mga infrastructure road, project irrigation facilities at social development concerns ay isasama sa comprehensive development program na gagawin niya na magsisimula ngayon 2016.

 

Sa health coupons na ipinamahagi, binilinan ni Suarez ang bawat punong barangay na magagamit ang kupon sa mga pampublikong pagamutan lamang para sa health services, at maarin din ipambayad sa gamot at ospital.

 

Sa Sariaya, pinangunahan niya ang blessing at inagurasyon ng barangay covered court, bukod pa ang mga kagamitan ipinagkaloob,  na ang layunin ay matulungan ang samahan ng mga magsasaka upang lalong mapataas ang mga produktong kanilang sinasaka.

Ibinalita din ng gobernador ang pagbubukas ng bagong building ng Quezon Medical Center na may pinakamagandang suite rooms na maihahandog sa pasyete ng ospital

Target pa ni Suarez sa taon 2017, dapat ay wala ng pasyente na makikita sa pasilyo ng QMC at magiging komportable at makakatanggap ng maayos na serbisyo ang mga pasyente.

 
 
BACK