Buwan ng Nutrisyon, pormal ng sinimulan


 

2016-07-12

 

 

 

Nasa 1000  buntis , nagpapasusung ginang, DOH, UNICEF at NNC ang dumalo sa pormal na paglulunsad ng First 1000 days of life na programa ng National Nutrition Council (NNC) sa Quezon Convention Center noong ika-5 ng hulyo, taong kasalukuyan.

 

Ang First 1000 days of life ay tinapatan ni Gov. David “JayJay” C. Suarez ng Q1K na unang nagpatupad sa buong bansa para sa mga buntis at nagpapasususong ina.

 

Ang NNC sa pangunguna ni DOH Asec. Ma. Bernardita T. Flores ay Quezon ang piniling lalawigan para ilunsad ang nasabing programa, sapagkat, sa buong bansa ay Quezon pa lamang ang nagpatupad ng First 1000 days of life dahilan para ihirang na kampyon ang ating gobernador.

 

Inamin ni Asec Flores na ang ginawa ng Quezon na pamamaraan ang magiging batayan ng konseho para ireplika at ipatupad din sa may siyam pang probinsya na pinili ng NNC bagamat hindi muna inihayag nito ang mga nasabing lalawigan.

 

Ayon kay Gov. Suarez, ang polisiya ng ating administrasyon na siguraduhin na mapaganda at mapalakas ang mga health services na naibibigay ng provincial government of Quezon.

 

Dagdag pa ng gobernador, ang layunin ng lalawigan ng Quezon sa taong 2016 ay ang mapababa sa single digit ang level ng malnutrisyon sa ating probinsya.

 

Ilan sa mga dumalo ng kaganapan sina  Hon. Maria-Bernadita T. Flores (Assistant Secretary of Health and Executive Director, National Nutrition Council), Maria Lourdes A. Vega ( Nutritional Officer V. Nutrition Policy and Planning Division, National Nutrition Council), at Hon. Paulyn Jean Rosell-Ubial ( Secretary of Health and Chair, NNC Governing Board).

 

Nagpaabot naman ng mensahe ang Assistant Secretary of Health and Executive Director ng National Nutrition Council na si Hon. Maria-Bernadita T. Flores na gawin natin ang ating tungkulin upang masigurado ang wastong nutrisyon sa 1st1000 days para sa malusog at masiglang pilipinas.

 

Layunin ng programa ang tuloy tuloy na pagbibigay kaalaman sa usapin ng kalusugan ng mamamayan sa quezon lalo na ang mga nagdadalang tao. (Quezon PIO)

 
 
BACK