ORIENTATION ON CITRUS PRODUCTION, ISINAGAWA SA ATIMONAN


 

2016-07-27

 

 

Mahigit dalawampu’t tatlo ang dumalo sa isinagawang orientation ng Citrus Production sa bayan ng Atimonan bilang bahagi ng Citrus Enhancement Production Program ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa Brgy. Caridad Ibaba ng naturang bayan, kamakailan.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na layunin ng naturang oryentasyon na magkaroon ng kaalaman sa tamang pagtatanim at pagmimintina ng Citrus.

 

Base sa datos ng Food and Agriculture Organization of the United Nation (FAOSTAT), ika-47 ang Pilipinas sa produksyon ng Citurs na may 213,827 tonelada.

 

Batay naman sa datos ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ay mahigit 18,015 na dalanghita at 27,334 na calamansi ang naipamahaging pananim sa mga magsasaka sa Quezon.

 

Ayon kay Diomedes Abilla, Coordinator ng Citrus Program na ang Citrus ay isa sa nagtataglay ng mataas na Vitamins C at nakakapagpaiwas sa ilang karamdaman kabilang ang stomach cancer, specific type ng kidney stone, heart disease, stroke at nakakatulong din ito sa pagpapababa ng sugar at bad cholesterol.

 

Samantala, namahagi din ang tanggapan sa isinagawang oryentasyon ng mahigit na 2,330 na pananim na Citrus sa samahan ng Aniban ng mga Magsasaka, Mangingisda at Manggagawa sa Agrikultura (AMMMA).

 

Ang nasabing programa ay matagumpay na naisakatuparan sa pagsubaybay ni Ma. Leonellie Dimalaluan, Chief Support Facilities Division na ayon sa kanya na ang mga programa at serbisyo sa agrikultura ng nasabing division ay naglalayong mapaunlad ang mga magsasaka sa Quezon na isa sa prayoridad ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. Training Unit)

 
 
BACK