Distribution of complete starter hive and tools, isinasagawa sa Real, Quezon


 

2016-06-02

 

 

June 2, 2016, Brgy. Cawayan, Real, Quezon - Isinagawa ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor mula sa Pangangasiwa ni G. Roberto D. Gajo – Provincial Agriculturist ang “Distribution of Complete Starter Hive Tools” sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Pambayan ng Real at sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pamumuno ni Gov. David C. Suarez. Bilang bahagi ng alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka sa Quezon at Kaalinsabay nito ang pagkakatatag ng samahan ng “Real Beekeepers”.

Mahigit 35 magsasaka ang pinagkalooban ng “bee viel, gloves, smoker swarm net and hive tool” ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at ng Rotary Club Lucena University District bilang pagsuporta sa bagong programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nagbigay ng maikling paalala si Dr. PJ de Castro, PhD – Beekeeper, Consultant, ukol sa tamang pag-aalaga ng bubuyog na siyang isinagawa sa “Training On Honey Bee Production” Kamakailan,  at nangako sya na tutugon sa mga katanungan ng mga magsasaka. Batid nya na kailangan na pagtuanan ng atensyon ang pag-aalaga ng bubuyog, upang makatugon sa kinakailangan na pag-papadami ng Bee hives, na siyang nakasaad sa Memorandum of Agreement (MOA).  

Ayon kay G. Edgardo Q, Azcarraga – PAFC – Chairman, Pres. Real Beekeepers at kasalukuyang Kapitan ng Brgy. Cawayan, Real, Quezon, “Bagama’t bago pero malaki ang tulong na dala lalo’t higit sa ating kapaligiran ng pag-aalaga ng Bubuyog…” gayumpaman nangako siya na ibabahagi nila ang natutunanan sa sinagawang pagsasanay. At upang sa ganun hindi lamang Brgy. Cawayan ang manguna sa pag-aalaga ng bubuyog, pati na rin ang buong bayan at maging sa karatig bayan ng Real.

Nagbigay din ng Pananalita si Gng. Evangeline F. Paril – Municipal Agriculturist , Vice Pres. Real Quezon Beekeepers, na nagpahayag ng pagsuporta sa bagong programa ng Pamahalaang Panlalawigan at nagpasalamat kay Gng. Estrella P. Martinez – Provincial Agriculturist Technician, bilang kinatawan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa nasabing proyekto.

Ipinabatid ng mga taga Brgy. Cawayan ang tuwa at pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa Pagkakaloob ng Bee Hives & Bee Tools at gayundin sa NGO na Rotary Club Lucena University District na nagbahagi ng suporta sa nasabing proyekto at isa sa market ng Honey Bee  sa Quezon.

Dumalo din sa nasabing pagtitipon ang mga piling kawani ng Tanggapan ng Pambayan at Panlalawigang Agrikultor. (OPA Info. Training Unit)

 
 
BACK