3rd Regional Farm Youth Camp, Muling Isinagawa sa Quezon


 

2016-06-08

 

 

Matagumpay na isinagawa sa lalawigan ng Quezon ang 3rd Regional Farm Youth Camp, Na kung saan mahigit 166 na participant ang dumalo na mula sa iba’t-ibang lalawigan ng Calabarzon kabilang ang Rizal, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon na ginanap noong May 23-25, 2016, sa Quezon National Agricultural School, Malicboy, Pagbilao Quezon.

Layunin  ng nasabing programa na maipakita ng mga kabataan ang kanilang natatanging kakayahan sa iba’t-ibang larangan at magkaroon ng Capability Enhancement, Livelihood Project, Strong linkages at gayundin ang Networking to the other Groups or Organization.

Ang nasabing programa ay nasakatuparan sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute sa pangunguna ni Gng. Marites Piamonte Cosico – Center Chief, ATI at sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa Quezon, sa Pangangasiwa ni G. Roberto D. Gajo – Provincial Agriculturist  at sa mga NGO’s at LGU’s ng Region IV-A.

Nagbigay din ng pagtanggap na pananalita si PA Roberto D. Gajo at nagpahayag ng pasasalamat sa matagumpay na pagdaraos ng nasabing aktibidad, gayundin sa suporta ng Butihing Gobernador ng Lalawigan ng Quezon na si Hon. David C. Suarez.

Binigyan din pansin ni Mr. Nonong Velasco – FAO Consultant ang “Agri-preneurship” na kung saan naging interisado ang mga kabataan sa usapin ng Pagnenegosyo sa Agrikultura.

Nagsagawa din ng Candle lighting ang mga 4-H Club member bilang bahagi ng nasabing aktibidad. Na sumisimbolo sa patuloy na pagkakatatag ng samahan ng 4H-Club sa Calabarzon Region at sa buong Pilipinas.

Lumahok sa ibat-ibang programa o aktibidad ang mga 4H-Club member kabilang ang (1)Innovative Technology on Climate Change, (2)Duck Meat Cooking (Ala Master Chef), (3)Indigenous Plaque Making, (4)Sweet Potato Processing and Packaging Technology, (5)On the Spot Canvass Painting, (6)Duet Singing Contests (OPM), (7)4-H Quiz Bee, (8)Photography & Feature Writing.

Dumalo din sa nasabing aktibidad si Gng. Pamela D. Agudila – Prov’t Corn Coordinator OIC Chief Extension Division at mga piling kawani ng Office of the Provincial Agriculturist at Gayundin ang mga Coordinator ng Pambayan at Panlalawigang Agrikultor ng Region IV-A. (CRISTINA J. LUCILA / ACC II / Information Officer)

 
 
BACK