1,138 Aso At Pusa sa Unisan, Nabakunahan Kontra Rabies


 

2016-05-24

 

 

Sa tatlong araw na pagsasagawa ng libreng pagbabakuna laban sa rabies ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinary (OPV), umabot sa 1,138 na aso at pusa ang nabakunahan sa bayan ng Unisan noong May 17 – 19, 2016.

 

Pinuntahan ng grupo ng OPV Rabies Team sa pangunguna ni Dr. Milcah Valente kasama sina Melanie Obnamia, Bryan Reynoso, Rommell Dexter Ravalo, Lilibeth Ilagan at Wallen Molera ang tatlumpu’t anim (36) na barangay sa naturang bayan upang masiguradong mababakunahan ang mga alagang aso at pusa.

 

Ang libreng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa laban sa rabis ay regular na programa ng naturang tanggapan sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Paghahayupan.

 

Layunin nito na suportahan ang adhikain ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na maging rabies free ang buong lalawigan ng Quezon at makiisa sa programa ng pamahalaang nasyonal na “Rabies Free Philippines”.

 

Bukod sa pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa ay nagbigay din ang grupo ng mga mahahalagang impormasyon sa mga pet owner ng tungkol sa pagiging isang responsableng tagapag-alaga ng hayop. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK