Quezon Product Center, Pinasinayaan


 

2016-05-17

 

 

Pinangunahan ni Provincial Administrator Rommel Edaño bilang kinatawan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pormal na pagbubukas ng Quezon Product Center sa katabi ng Provincial Agriculturist Office noong May 16, 2016.

 

Ayon kay Edaño ang naturang center ang magiging show room ng mga produkto mula sa iba’t ibang rural based organization tulad ng KALIPI, samahan ng mga magsasaka, mangingisda at iba pa sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon.

 

Matatagpuan din dito ang mga organikong produkto tulad ng itlog, gulay, suka, jam, santan, itlog na maalat, mga kakanin, sardinas, chili powder, powder dried chili, uraro, salabat, turmeric tea at marami pang produktong ipinagmamalaki ng lalawigan ng Quezon.

 

Karamihan sa mga produktong ito ay pangunahing mga produkto ng bawat bayan o ang tinatawag na One Town One Product (OTOP).

 

Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, ang naturang center na pinangangasiwaan ng kanilang tanggapan ay bukas sa lahat ng bayan sa Quezon upang magdala ng kanilang pangunahing produkto upang matulungang maibenta.

 

Ang hakbang na ito ay dahil sa hangarin ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na mapalakas at mapaunlad pa ang iba’t ibang rural based organization sa buong lalawigan at makatulong maiangat ang bawat pamilyang Quezonian.

 

Ang programang ito ay pinangungunahan ng Organikong Kalakaran sa Quezon (OK sa Quezon) sa pamumuno ni Luis Quinsaños at sa pagsubaybay ni Chief Facilities Division Ma. Leonellie Dimalaluan katuwang ang Special Projects sa pamamagitan ni Roberto Atregenio Jr. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. Training Unit)

 
 
 
 
 
 
 
 
BACK