Service Vehicle sa Panahon Ng Kalamidad, Ibinigay Sa mga Barangay


 

2016-05-16

 

 

Apat na barangay mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon ang naunang napagkalooban ng tricycle service vehicle ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang simpleng turn-over ceremony sa Perez Park, Capitol Compound, Lucena City noong May 16, 2016.

 

Ayon kay Provincial Administrator Rommel Edaño ang pagkakaloob ng mga tricycle service vehicle sa ilang barangay sa lalawigan ng Quezon ay resulta ng konsultasyong isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Managament Office (PDRRMO) at taggapan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez kung ano ang mas epektibo o pangunahing sasakyang magagamit sa pagtugon sa emergency at kalamidad.

 

Dagdag pa ni Edaño na sa susunod na mga araw ay ibang barangay naman sa lalawigan ng Quezon ang mapagkakalooban ng naturang mga tricycle service vehicle.

 

Kabilang sa mga tumanggap ng service vehicle ay Brgy. Mangalang Tulo-Tulo mula sa bayan ng Sariaya sa pamumuno ni Kapitan Casiano Caratchea, Brgy. Casay ng San Franciso sa pamumuno ni Kapitan Edgardo Perjes, Brgy. Bislean ng Polilio sa pamumuno ni Kapitan Adelino de Villes at Brgy. Masaya ng Buenavista sa pamumuno ni Reynaldo Rosilla.

 

Lubos ang pasasalamat ng mga punong barangay sa pamahalaang panlalawigan lalo’t higit kay Governor Suarez sa pagkakaloob sa kanilang barangay ng naturang service vehicle.

 

Ayon sa mga ito na malaki ang maitutulong ng naturang mga sasakyan sa pagbibigay ng serbisyo sa barangay partikular na sa panahon ng kalamidad at emergency situation. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK