Quezon PGS Strategic Planning Workshop, Patuloy na Isinasagawa


 

2016-04-15

 

 

Patuloy na isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang Quezon Participatory Guarantee System (PGS) – Strategic Planning Workshop para sa mga organikong magsasaka sa buong lalawigan.

 

Noong nakaraang linggo ay dalawampung (20) organikong magsasaka sa Quezon kabilang ang mga kinatawan ng samahan ng Lucban Integradong Kalakalan sa Agrikultura at Samabayan (LIKAS), Organizational for Industrial Spiritual and Cultural Advancement (OISCA), Sariaya Organic Farmers Association (SOFA), Samahan ng Magsasaka sa Paraang Organiko para sa Kaunlaran ng Tayabas (SAMAPOKATA), Organic Farmers Association of Pagbilao (OFAP), Binhi ng Buhay ng Magsasaka sa Bugon (BINHI) at Magsasaka at Siyentipiko sa Pag-unlad ng Agrikultura (MASIPAG) ang dumalo sa naturang strategic planning workshop.

 

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pangangasiwa ni Roberto Gajo at pagsubaybay ni Provincial Organic Focal Person Ma. Leonellie Dimalaluan sa mga magsasaka sa lalawigan na tumatangkilik sa organikong pamamaraan ng pagsasaka.

 

Ayon kay Glemechillie Maestro, Quezon PGS Coordinator na ang nasabing proyekto ay upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng mga plano na naglalayong mapalakas at mapaunlad ang mga programa para sa samahan ng organikong magsasaka, gayundin ang marketing strategy ng mga organikong produkto.

 

Samantala, nakatakdang magkaroon ng Inspector Training sa April 19, 2016 sa layuning madagdagan at mapabilis ang pagbibigay ng garantiya sa dumaraming organikong magsasaka sa lalawigan.

 

Matatandaan na binigyan ang Quezon ng pagkilala bilang kaunahang lalawigan na nag-adopt ng PGS mula sa International Federation of Organic Agriculture Movement (IFOAM) dahil sa buong pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa naturang programa. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. Training Unit)

 
 
BACK