Outstanding City/Municipal GFPS sa Quezon, Pinarangalan


 

2016-03-09

 

 

Kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Day at Provincial Women’s Month ay pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang mga Outstanding City/Municipal Gender and Development (GAD) Focal Point System (C/MGADFPS) sa lalawigan ng Quezon noong March 8, 2016 sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena.

 

Tinanghal bilang Outstanding CGADFPS ang lungsod ng Tayabas sa 1st Class LGU, Outstanding MGADFPS ang bayan ng San Narciso sa 3rd Class LGU, bayan ng Panukulan sa 4th Class LGU at bayan ng Sampaloc sa 5th Class LGU.

 

Hinirang na 1st runner-up sa 1st class LGU ang bayan ng Candelaria, bayan ng Dolores sa 4th class LGU at bayan ng Agdangan sa 5th class LGU; 2nd runner-up ang bayan ng Pagbilao sa 1st class LGU at bayan ng Unisan sa 4th class LGU.

 

Binigyan din ng parangal ang mga bayan na may pinakamahusay na Gender and Development Implementer sa iba’t ibang kategorya tulad ng Best GAD Implementer in Mangrove Management para sa bayan ng Panukulan; Environmental Protection sa bayan ng Unisan; Housing Program sa bayan ng San Narciso; Human Resource Management sa bayan ng Sampaloc; Information, Education and Communication sa lungsod ng Tayabas; Solid Waste Management (Handling Hazardous Wastes) sa bayan ng Candelaria; Women’s Economic Empowerment sa bayan ng Dolores; Community Led Total Sanitation (Zero Open Defacation) sa bayan ng Agdangan; Men Opposed to Violence Against Women Everywhere or MOVE Project at Health Services sa bayan ng Pagbilao.

 

Ang paggagawad ng parangal ay pinangunahan ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office sa pamumuno ni Ofelia Palayan at Provincial GAD Focal Point System sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez bilang Chairperson.

 

Ang pagbibigay ng parangal ay upang mabigyang pagkilala ang mga bayan o lungsod sa lalawigan na matagumpay na nagpapatupad ng mga programa at proyektong may kaugnayan sa gender and development na patuloy na tinututukan ni Governor Suarez katuwang ang Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez.

 

Matatandaan na dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa kaugnay ng gender and development ay hinirang ng Philippine Commission on Women (PCW) ang lalawigan ng Quezon bilang GAD Local Learning Hub kung saan marami nang mga bayan at probinsya ang pumapasyal sa Quezon upang magkaroon ng mga karagdagang kaalaman sa pagpapatupad ng GAD sa kani-kanilang mga nasasakupan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK