Gawad Saka-Search for Outstanding Agricultural Achievers 2016, Sinimulan na


 

2016-03-07

 

 

Sinimulan na nang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang paghahanap ng natatanging magsasaka at mangingisda para sa taunang Gawad Saka – Search for Outstanding Agricultural Achiever sa lalawigan ng Quezon.

 

Bilang bahagi ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura sa pangangasiwa ni Provincial Agriculturist Roberto Gajo at sa suporta ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ay naglalayong mas makilala ang galing at husay ng mga taga-Quezon sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan.

 

Bukod sa mabigyan ng pagkilala, layunin din nito na mas mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan o pamumuhay sa pagpapaunlad ng pagsasaka at pangingisda at maging huwaran hindi lamang sa panlalawigan o pang-rehiyon, maging sa buong bansa.

 

Ang Provincial Gawad Saka Committee ay binubuo ng ilang kawani ng Office of the Provincial Agriculturist na pipili ng mga natatangi sa iba’t ibang kategorya tulad ng Rice Farmer, Organic Farmer, Young Farmer, Fish Capture, Corn Capture, Fish Culture, Small Fisherfolk Organization, Small Animal Raiser, Large Animal Raiser, Municipal Agriculturist and Fisheries Council (MAFC), Rural Improvement Club (RIC), High Value Crops Development Program (HVCDP-Fruit Trees) at Municipal Fisheries and Aquatic Management Council (MFARMC).

 

Ang magwawagi ay tatanggap ng cash award at plake, at ang mga municipal agriculturist, mayor at technician ng winning entry naman ay makakatanggap ng certificate of recognition.

 

Ang mga magwawagi din ang magiging kinatawan ng lalawigan ng Quezon sa Regional Gawad Saka. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. Training Unit)

 
 
BACK