PAGPAPARAMI NG SEAWEEDS Ang industriya ng seaweeds o halamang dagat ay itinuturing ng ika-3 fishery base sa Pilipinas. Ang teknolohiya sa ating bansa ay nabuo mula sa Technology and Livelihood Resources Center sa pangunguna ni Dr. Gavino C. Trono, Jr. ng Marine Science Institute ng UP Diliman. Ating pag-aaralan ang mga sumusunod na modules:
May apat na pangunahing industriya ang umuungkat ng seaweeds:
Ang sentro ng pagpoproseso nito ay sa Mandaue City. Ang taniman nito, sa kasalukuyan, ay sa mga lugar sa Sulu, Zamboanga, Bohol, Samar, Surigao, at Polilio. Nagsimula ito sa kalagitnaan ng 1960 kung saan ang pangunahing uri ay ang eucheuma . Karaniwan dito'y pinatutuyo at ine-export sa ibang bansa. Tinatayang nasa 15,000-20,000 hektarya ng karagatan ng Pilipinas ay maaaring taniman ng seaweeds. Malaki ang socio-economic value nito. Nasa 90,000 na ang direktang mga seaweed farmers. Kung isasama ang mga miyembro ng pamilya, ito'y nasa kabuuang 450,000 na magsasaka. Maaari itong maging alternatibong kabuhayan. Sa pagtanim nito sa tamang lugar, mabuting binhi at pangangalaga ay makakaani agad sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan. Hindi ito nasisira basta ito ay pinatuyo. Tumataas ang demand sa pangangailangan ng seaweeds. Sa katunayan, nagkakaroon ngayon ng pagkukulang o shortage nito sa sapagkat lumalawak na ang market sa buong mundo na ang pangunahing sangkap ay halamang dagat. Ito'y daan upang magkakaroon ng produktibong kabuhayan sa dulo at linang na bahagi ng ating bansa. URI NG EUCHEUMA AT PAGPILI NG TANIMAN Dalawa ang uri ng pagtanim nito: 1. Vegetative Method- ito'y paraang pinipiraso ang mga seaweeds. 2. Spores Method- sexual na paraan ng pagpaparami. Dalawa naman ang uri ng eucheuma:
Ito'y ginagawang sangkap sa carageenan powder, pampalapot sa jams, syrup at gravy, stabilizing agent sa toothpaste, solid air freshener, cosmetics, hydrating agent sa lotion at cream, sangkap sa paggawa ng capsules, film negatives at explosives. Palatandaan sa Pagpili ng Lugar:
Kapag pumasa sa lahat ng ito, ayusin na ang administrative at legal requirements sa tatanimang lugar. Lumapit sa isang geodetic engineer upang sukatan at kumuha ng permit sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). PARAAN NG PAGTATANIM NG EUCHEUMA Sa isang hektarya hektarya, maghanda ng mga sumusunod:
Linisin ang pagtataniman, tanggalin ang damong dagat, algae at salungo na posibleng kumain sa pananim. Gumawa ng monoline method, ito'y pagtali sa pisi ng halaman sa pisi na nakatali sa tulos na kahoy sa dagat na may tibay na makakaabot ng 3 buwan. Gumawa ng 4 na seksyon na may 2,500 sq.m. Maglagay ng 5 talampakan distansya para madali ang pagbisita lalo na kung ito ay lumalaki na. Gumawa ng 3 linya ng tulos na may haba na 15 metro, 28 na tulos kada linya. Sa pamamagitan ng maso, itusok ang tulos at talian ng nylon. Ang agwat ng pisi mula sa ilalim ng dagat ay 0.3-0.5 metro. Siguraduhing mahigpit at banat ang pagkakatali nito. Ihanda ang mga binhi. Ang mga ito ay maaaring bilhin sa Calatagan, Batangas. Kung ibibyahe ito sa malayong lugar, basain ito ng tubig alat, patuluin at ilagay sa styro na may butas at takpan. Ilagay agad sa tubig alat at patuluin pagdating nito sa pupuntahang lugar. Hati-hatiin ito sa 50-100 grams at itali sa plastic straw. Itali agad ito sa nylon line na nakalatag sa dagat. Mga dapat tandaan sa pangangasiwa ng taniman:
Tandaan, sa pangangasiwa, mabilis lumaki ang seaweeds kapag banayad o maganda ang panahon. Mabagal ang paglaki nito kung masungit ang panahon o malakas palagi ang alon. Anihin ng isang bungkos. Ibukod ang pinakamalusog na tanim upang gawing binhi sa susunod na taniman. Pag-aani ng Eucheuma: Sa pamamagitan ng kutsilyo, putulin ang mga palastic straw na nakatali sa nylon. Maaari ding mula sa nylon, direstso sa isang malaking basket o diretso sa bangka at agad dalhin sa farmhouse. Linisin muna ang inaning seaweeds. Kailangang tanggalin ang mga algae, buhangin sukal, corals at iba pang ligaw na bagay. Timbangin ang mga ito tsaka patuyuin. Hakbang sa Pagpapatuyo ng Eucheuma: Ilatag ng manipis ang mga inaning seaweeds sa pormang yari sa kawayan na nilatagan ng lambat. Ugaliing baligtarin ang mga ito upang pantay itong matuyo. Hugasan muli sa tubig alat kapag tuyo na. Ang palatandaan nito'y ang pagkalutong ng seaweeds at namumuong asin sa ibabaw. Muling ilatag ito ng manipis sa biladan ng 1/2- 1 araw. Siguraduhin lamang ng wala nang asin o ibang ligaw na bagay dito upang umangat ang mataas na uri nito sa pamilihan. Ilagay na ito sa buslo o basket na may butas sa ilalim at hugasan sa dagat sa loob ng 5 minuto upang tuluyang maging malinis. Pag-iimpake at Pag-iimbak
PAGPAPARAMI NG CAULERPA AT PAGPILI NG TANIMAN Ang caulerpa ay isang uri ng halamang dagat na kino-culture sa fishpond na itinatanim sa lupa, di kagaya ng eucheuma na nakatali sa plastic straw sa ilalim ng dagat. Dahil ito'y isang marine specie, kinakailangang ito'y malayo sa tubig tabang at malapit sa tubig-dagat upang madali ang pagpalit ng sariwang tubig-alat nito sapagkat dito sila kumukuha ng mga nutrients na kailangan sa mabilisang paglaki. Kailangang mababa ang sahig nito upang mabilis mapuno ng tubig ang pond. Habang lumalaki ang caulerpa, kailangang ligtas sa damong ligaw ang paligid nito upang hindi maagawan ng sustansya ng paligid. Ang Caulerpa lentifera ( lato sa Bisaya at ar-arucip sa Luzon) ang uri ng caulerpa sa Pilipinas. Ang hitsura nito'y malaubas na tangkay na may haba na 8.5 cm. Popular itong inihahanda bilang ensalada sa hapag kainan. Natatangi ito sa taglay na sustansya tulad ng calcium, pottassium, sodium, copper, iron at zinc. Ito'y mabisang nakatutulong magpababa ng presyon sa dugo at anti-fungal agent. Mabisa din ito sa paggaling ng sakit na goiter dahil sa sangkap nitong iodine. Malaki ang market nito sa Kamaynilaan at Luzon partikular sa norteng bahagi. Sa kasalukuyan, ang pananim na ito ay makikita sa Cebu, hindi pa ito nagagawa sa ibang lugar sapagkat may mga dapat isa-alang alang sa pagpili ng tamang lugar. Kailangang madali itong mapangasiwaan ng magsasaka, napapanatili ang salinity o pagkaalat, malinis at maganda ang panahon. Mga Dapat Isaalang Alang sa Pagpili ng Tamang Lugar
Ang caulerpa ay maaaring secondary pond ng alagang bangus. Sa paraang ito, nagagamit ng husto ang ating lugar na taniman. PARAAN NG PAGTATANIM NG CAULERPA
Ang binhi ay kinukuha sa pinakamalapit na lugar upang agarang maitanim ito. Kung malayo ang pagkukunan, sundin ang tamang paraan ng pagbiyahe kagaya ng sa eucheuma. Dalawa ang paraan ng pagtanim nito:
Sa isang hektarya, isang toneladang binhi ang kinakailangan. Hinahati ito sa 100 grms/metro kwadrado. Itusok ito sa lupa ng may 1 metro pagitan sa bawat hanay. Siguraduhing nakatusok ng mabuti ang binhi upang hindi maagos ng di inaasahang lakas ng alon. Lagyan ng tulos upang magsilbing marka nito. Habang lumalaki, dahan dahan dagdagan ang lebel ng tubig hanggang 0.5-0.8 metro. Magpalit ng tubig kapag may ugat na ito. Tandaan, mabilis lumaki ang caulerpa kapag maaraw at banayad ang hangin. Mahalaga ding masinagan ito ng araw upang makakuha ng photosynthesis na kinakailangan upang maging malusog ito. Kung kayat mainam na magtanim nito kung buwan ng Enero hanggang Marso. PANGANGASIWA NG TANIMAN, PAG-AANI AT PANGANGALAGA NG ANI
Paraan ng Pag-aani at Pangangalaga ng Ani Ang pag-ani ng caulerpa ay depende sa bilis ng paglago nito ngunit kalimitan itong inaani makalipas ang 2 buwan. Kinakalkal ng kamay ang lupa upang makuha ito mula sa ugat. Ang nirerekomendang uri ng pag-ani ay ang tinatawag na partial harvest kung saan itinitira ang 20-25% ng tanim upang maging seedstock at maging binhi sa susunod na anihan. Pangangalaga ng Ani (Post Harvesting)
Ang mahusay na pangangalaga ng ani ay magbibigay tagal ng pagkasariwa nito mula 4-5 araw. Ang mga ine-export sa ibang bansa gaya ng Japan ay dinadalang sariwa o iniimbak sa asin. Inilalagay ang magandang klase nito sa styro na may butas sa paligid o sa takip. Lagyan ng masking tape at maaari na itong ipadala sa destinasyon nito sa pamamagitan ng air cargo. PANGANGALAKAL AT BALIK-PUHUNAN Maliit lamang ang gagastusin at malaki naman ang balik puhunan ng pagpaparami ng eucheuma at caulerpa. Ating alamin ang kabuuang kita sa buong taon: Eucheuma (1 hektarya/taon) a.) Materyales
Kabuuan P15,475.00 b.) Pangangasiwa
Kabuuan P47,200.00 c.) Fixed Assets
Kabuuan P 4,440.00 d.) Produksyon at Benta Inaasahang anis a isang hektarya a seedlings sa 2 buwan = 2500 kls. Ibawas ang 2,400 kilos (paunang seedlings) at 20% (mortality) = inaasahang bigat na 17,000 kilos 2,200 kilos x P10/kilo = P22,000 (kita bawat ani) P22,000 x 5 ani = P 110,000.00 (gross) Kabuuang Benta P110,000.00 Materyales (15,475.00) Pangangasiwa (47,200.00) Fixed Assets _ ( 4,400.00) Kabuuang Kita P 42,925.00
|