GOB.NANTES PINANGUNAHAN ANG REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL ( RDC ) 2009
2ND QUARTER MEETING

MAYO 20,2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Sa ikalawang pagkakataon, muling namalas ng mga Regional Directors ng ibat-ibang tanggapan ng Pamahalaan at mga kinatawan ng ibat-ibang pribadong tanggapan sa Region IV-A o CALABARZON  ang kaayusan, katahimikan at kagandahan ng lalawigan ng Quezon nang pangunahan ni Gobernador Raffy P. Nantes bilang chairman ang  Regional Development Council ( RDC ) 2009 2nd Quarter Meeting na isinagawa sa Palaisdaan Restaurant ,Tayabas Quezon noong Mayo 14, 2009.

Ang pagpupulong ng RDC ay sumentro sa  kasalukuyang kalalagayan ng Ekonomiya ng bansang Pilipinas sa harap ng Pandaigdigang Krisis Pang-Ekonomiya na dito ay naging panahauhing pandangal si Department of Transportaion and Communication ( DOTC ) Secretary Leandro Mendoza.

Kabilang din sa mga dumalo sa okasyon sina DOTC USec. Anneli Lontoc na taga-Lopez, Quezon,  Sec. Vic Domingo, Presidential Adviser on Government Sector, Cavite Governor Ireneo Maliksi, at Levy Dimaunahan, kinatawan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Iniulat ni Sec. Mendoza ang mga proyekto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa CALABARZON partikular sa lalawigan ng Quezon.  Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng DOTC Project sa ilalim ng Anti-Hunger Mitigation Program, Mulanay Port- P11M; Lucena Port Breakwater Project- P248M; Contruction of Back-up Area, Port  Acces Road, Polilio Port- P21M; San Andres Port-P91M; Construction of Port Gateway and Back-up, Unisan Quezon – P16M.

Sa ilalim ng DPWH-CARP Funded Project ay naipagawa ang proyekto sa barangay San Vicente Kanluran, Catanauan, Quezon na pinondohan na nagkakahalaga ng P1M.
Bilang tugon sa naranasang job retrenchment, ipinatupad ng Arroyo Administration sa lalawigan ng Quezon sa pamamatnubay ng DOLE at koordinasyon kay Gob. Nantes ang Comprehensive Livelihood and Emergency Program.

Sa programang TUPAD o Tulong Pang-hanapbuhay para sa Disadvantaged Workers, umabot sa P750,000 naipagkaloob sa 100 mga beneficiary. P789,000 para sa 184 beneficiary ang naipagkaloob ng programang ISLA o Integrated Semister Livelihood Advancement of Fisherfolks.

Ang programang YES o Youth Entrepreneurship Support Program ay nagkaloob ng P92,000 para sa 20 mga beneficiary, P615,000 para sa 274 benificiary ng DOLE-AMP (Adjustment Measure Program), at P884,000 para sa 581 beneficiary ng WORKTREP ( Workers Entrepreneurship Program ).

Binanggit din ni Secretary Mendoza na sa aspeto ng pagharap sa financial crisis ay may  nakalinyang plano ang pamahalaan katulad ng “ Economic Resiliency Plan, Social Protection,  at Saving Jobs & Creating New Employment Opportunities”.

Samantala, inihayag ni Gobernador Nantes sa mga Regional Directors ng ibat-ibang tanggapan ng Pamahalaan at mga private sectors na matatapos na sa buwan ng Disyembre 2009 ang Infanta-Marikina Road. Kapag nabuksan na umano ang nasabing kalye ay magiging mabilis na ang daloy at pakikipagpalitan ng ibat-ibang serbisyo  ng lalawigan ng Quezon sa mga kanugnog na lalawigan sa CALABARZON at Metro Manila.

Magiging hudyat na rin ito upang isakatuparan ang International Container Port na magkakaloob ng maraming hanap-buhay sa mga residente ng lalawigan at magpapasok ng malaking buwis sa pamahalaang lokal at nasyunal.        (PGOmbTSM/NMB)
 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary