GOB.NANTES NAGBIGAY SIGLA SA PAGDARAOS NG IKA-37 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG QUEZELCO 1

ABRIL 28, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Binigyang sigla ni Gobernador Raffy P. Nantes ang pagdaraos ng ika-37 anibersaryo ng pagkakatatag ng QUEZELCO at ika-31 Annual General Membership Assembly sa barangay Poctol, Pitogo Quezon noong araw ng biyernes, Abril 24, 2009 nang magbigay ito ng makabuluhan, mabunga at makatotohanang mensahe.

Ang okasyon ay dinaluhan ng mahigit sa 1,000 miyembro ng QUEZELCO  mula sa mga bayan sa ikatlo at ika-apat na distrito ng lalawigan na humanga sa kababaang loob ni Gob. Nantes. Ayon kay Gng. Marciana

Duenas ng General Luna,Quezon, ipinakikita lamang ng Gobernador na ipinatutupad niya nang totohananan ang reporma para sa pag-unlad ng Lalawigan.  

“ Iyan ang opisyal ng bayan, hindi inaalintana ang usaping pulitikal basta’t ang kaginhawahan ng nakararami ang pinag-uusapan “ ani Gng. Duenas.

Ang Pitogo,Quezon ay isang bayan sa Bondoc Peninsula na kilalang balwarte ng mga kritiko ni Gob. Nantes subalit bukal sa loob na binubuhusan din ng proyekto ng Gobernador. Sa kanyang makabuluhan at mapanghamong mensahe ay hinimok ni Gob. Nantes ang mga miyembro ng QUEZELCO na samahan siya na mag-isip kung paano higit na pauunlarin ang lalawigan at iwaksi ang pagtatalo tungkol sa pulitika.
Iginiit ng Gobernador na ang pag-usapan at pagtalunan ay tungkol sa pag-unlad sa halip na pulitika kung kaya’t umani ito ng paghanga mula sa mga daan-daang lumahok sa okasyon.

Pinuri din ni Gob. Nantes si QUEZELCO President Dr. Agrifino Tullas at Chairman of the Board at ang mga bumubuo ng Borad of Directors dahilan sa patuloy nilang pag-isip nang mga kapamaraanan upang maserbisyuhan ng maayos ang kanilang mga miyembro.

Batay sa record , tumaas ang koleksyon ng QUEZELCO sa nakalipas na ilang taon kasabay ng pagbaba ng singil sa kuryente ng kanilang sineserbisyuhan. ( PGOmbTSM/NMB )
 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary