PHILIPPINE NATIONAL OIL COMPANY ( PNOC ) MAGLALAAN NG PONDO PARA SA JATROPHA PROJECT SA MGA LALAWIGAN SA BUONG BANSA

May 18, 2009 - Maglalaan ng pondo para sa Jatropha Project ang Philippine National Oil Company-Alternative Fuel Corporation(PNOC-AFC) para sa 10,000 ektaryang lupain na pagtataniman ng Jatropha sa ibat-ibang lalawigan sa buong bansa, na inaasahang makapagbibigay ng hanap buhay sa 10,000 mamamayan.

Ang lalawigan ng Quezon ang unang probinsya na mabibigyan ng pondo para sa nasabing proyekto. Ito ay dahilan sa mahusay na pamamahala ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Gobernador Raffy P. Nantes na puspusan ang ginagawang pagsusulong sa lalawigan ng mga proyektong pangkaunlaran para sa mga mamamayan, isa na dito ang ektaryang lupain sa lalawigan, alinsunod na rin sa itinakda ng Bio-Fuels act of 2006, RA 9637.

Sa kasalukuyan ay may mahigit na sa 100ektaryang lupain sa Tagkawayan Quezonang nataniman na ng Jatropha sa pamamagitan ng Tagkawayan Jatropha Farmers Multi-Purpose Cooperative(TJFMPC). Bukas, Mayo 19, 2009 ay isasagawa sa punong tanggapan ng PNOC_AFC sa Lapanday Building, PNOC Compound, Makati City ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PNOC-AFC at Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon.

Inaasahang darating para lumagda sa Tripartite Agreement si Gen. Romeo Tolentino, Pangulo ng PNOC-AFC, Quezon Governor Raffy P. Nantes at mga bumubuo ng Quezon Jatropha Development Board sa Host Province at G.Jose Serrano, Pangulo ng TJFMPC sa panig ng Farmers Cooperative. (PGO Media Burea-Boy Tuvera/Beng Bodino/Tony Sandoval)

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary