LUCBAN  PAHIYAS FESTIVAL  DINAGSA NG MGA LOKAL AT DAYUHANG TURISTA:  GOB. NANTES SUMAMA SA PARADA

MAYO 20, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ----Pinasigla at binigyang buhay ni Gobernador Raffy P. Nantes ang pagdaraos ng  Lucban Pahiyas Festival  noong Mayo 14, 2009 nang pangunahan nito ang pagsasagawa ng parada sa mga pangunahing lansangan ng Lucban Quezon na sinaksihan ng mga residente ng nasabing bayan,  at ng mga lokal at dayuhang turista.

Labis na natuwa ang mga residente ng masaksihan nilang hindi inaalintana ng Gobernador ang matinding init ng sikat ng araw gayundin ang karamihan ng tao nang makisiksik ito at sumama sa tradisyunal na paglilibot kasama ang ibat-ibang mga karosa na pinalalamutian ng makukulay na dekorasyon.

Nakiayon ang magandang panahon sa pagdaraos ng Pahiyas Festival kung kaya’t nadoble ang bilang ng mga turistang dumagsa sa Lucban,Quezon kumpara noong nakaraang taon na hindi halos nakagalaw ang parada sanhi ng malakas na buhos ng ulan.

Ngayong taon ay dumami ang bilang ng mga bahay na sumali sa Pahiyas Festival  at ito ay napansin ng mga turista na kumuha ng mga larawan at bumaybay sa mga pangunahing lansangan.
Muling tinawagan ng pansin ni Gob. Nantes ang mga turista na palagiing bumisita sa Lucban at iba pang bayan sa lalawigan . Ang pagdagsa umano ng mga tao sa Lucban, Tayabas at Sariaya na sabay-sabay na nagdaos ng kapistahan ni San Isidro Labrador ay isang indikasyon na patuloy na umaangat ang turismo sa lalawigan ng Quezon. ( PGOmbTSM/NMB )

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary