GOB. NANTES NAGING PANAUHIN SA PAGDIRIWANG NG MAUBANOG FESTIVAL SA MAUBAN, QUEZON

MAYO 20, 2009, LUNGSOD NG LUCENA -  Naging panauhin sa pagdiriwang ng Maubanog Festival sa bayan ng Mauban si Gob. Raffy P. Nantes noong Mayo 16, 2009.

Ang Maubanog Festival ay taunang pagdiriwang upang maitampok ang nipanog o alak na mula sa nipa o sasa na isa sa pangunahing produkto sa nasabing bayan.  Mula sa orihinal na lasa nito ngayon ay dinagdagan pa ito ng sangkap o flavor mula sa mga prutas upang mas maging masarap na inumin.

Ayon kay Mauban Mayor Rex Bantayan ngayong taon ay 10 flavor ang ginamit sa nipanog , ito ay ang kalamias, tamarind, pineapple, bayabas, liputi, catmon, mangga, santol, guyabano at langka. Naglunsad naman ng contest para sa pinakamagandang booth at Float na angtatampok sa nipanog ang lokal na pamahalaan upang mas mapasigla ang okasyon. 

Pinuri naman ni Gob.  Nantes ang lokal na pamahalaan ng Mauban sa pagsasagawa ng Maubanog Festival na  nagpapakilala sa ipinagmamalaking nipanog nito.    Aniya habang nakikilala ang nipanog sa buong Pilipinas, nagiging tanyag rin ang lalawigan ng Quezon. 

Hinikayat naman ni Gob. Nantes ang mga pinuno ng bayan ng Mauban na palakihin pa ang produksyon ng nipanog sa kanilang bayan upang  mai-export na rin ito sa ibang bansa.

Samantala naging tampok rin sa pagdiriwang ng Maubanog Festival ang Bar Tending Contest upang makalikha pa ng masasarap na inumin mula sa pinaghalong nipanog ang bayan ng Mauban.
Nagkaroon rin ng drinking contest para sa mga mahihilig uminom ng nipanog. 

Nakiisa sa okasyon sina Board Member Techie Dator at Gelo Devanadera, gayundin ang ilang mga department heads mula sa pamahalaang panglalawigan.   Naroon rin ang lahat ng mga opisyales ng bayan at mga barangay dito.   (PGO MB – NMB/TSM)

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary