GOB.NANTES NAGSAGAWA NG BISITA OPISYAL SA JOMALIG AT PATNANUNGAN,QUEZON

HUNYO 22, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Hindi naging hadlang ang malalaking alon sa karagatan sanhi ng masamang  panahon , nagsagawa ng bisita opisyal si Gobernador Raffy P. Nantes sa mga bayan ng Jomalig at Patnanungan noong Hunyo 18 at 19, 2009 at nagkaloob ng mga pangunahing pangangailangan sa mga residente ng nasabing dalawang island municipality.

Kasabay ng  bisita opisyal ni Gob. Nantes sa bayan ng Jomalig at Patnanungan ang magkasabay na pagdaraos ng ika-48 anibersaryo ng araw ng pagkakatatag ng Jomalig at Patnanunngan. Pinangunahan din niya ang blessing and inauguration ng one storey , 3 classroom building sa dalawang nabanggit na bayan.

Sinalubong si Gob. Nantes ni Jomalig  Mayor Rodelo Tena at makaraan ay isinagawa sa plaza ang pamamahagi ng punong lalawigan ng 5 jetmatic pump at 10 tubo para sa limang barangay. Ilan pa sa ipinagkaloob ng gobernador ay 5 kahon ng gamot, 10 sako ng palayseeds, 5 sako ng corn seeds, 30 wall clocks, 5 lambat, 5 bola ng basketball, 5 bola ng volley ball, 10 tingga, 15 pataw.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Tena at ng kanyang mga kababayan kay Gob. Nantes dahil sa inianunsyo nito na pagsasagawa ng proyektong farm to market  road na nagkakahalaga ng 500,000, planong pagdaragdag ng haba ng pantalan  at  pagkakaloob ng P50,000 para sa pagdaraos ng kapistahan ng nasabing bayan.

Sakay ng M/B Raffy P. Nantes, nilakbay ng kalahating oras ng grupo ni Gob. Nantes ang maalong karagatan at nagsadya naman sa bayan ng Patnanungan at doon ay sinalubong siya ng nagkakatuwaang mga residente na pinangunahan nina Mayor Dante Eusebio, Vice Mayor Rodrigo Toledo at Sangguniang Bayan.

Anim na jetmatic pump at 12 tubo ang ibinigay ni Gob. Nantes para sa anim na barangay ng Patnanungan, 6 na kahon ng gamot, 6 na bola ng basketball, 6 na bola ng volleyball, 30 wall clock, 11 sako ng palay seeds, 5 sako ng corn seeds at isang briggs & stratton engine ( 16 horse power ).   

Nagkaloob din ang gobernador ng P50,000 para sa kapistahan ng nasabing bayan, planong padugtungan ang pantalan at farm to market to road na nagkakahalaga ng P500,000 at ipagagawa ang covered court upang maging maayos ang pagdaraos ng mga okasyon sa nasabing bayan.

Nakasama ni Gob. Nantes sa kanyang bisita opisyal sina First District Board Members Alona Obispo at Tetchie Dator, Executive Assistan IV Ador Culing, Executive Assistant 1 Ryan Maminta, at PAIAD Head  Carlo Vinci Vilafranca .( PGOmbTSM/NMB )

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary