COVERED COURT NG TAYABAS WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL PINASINAYAAN NI GOB. NANTES
HULYO 3, 2009, LUNGSOD NG LUCENA ---Pinasinayaan kahapon ( Hulyo 2,2009 ) ni Gobernador Raffy P.Nantes ang covered court ng Tayabas Central Elementary School kasunod ng paniniyak na ipagagawa ang drainage system ng nasabing paaalan upang hindi maapektuhan ang mga aktibidad ng mga mag-aaral kapag sumasapit ang tag-ulan.
Lubos na pinasalamatan ng Principal na si Desideria Zafranco si Gob. Nantes dahil sa walang sawa nitong pagkakaloob ng mga pasilidad sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan partikular sa kanilang distrito.
Sa pamamagitan umano ng mga ginagawang programa ng Gobernador sa larangan ng edukasyon ay nai-engganyo ang mga batang mag-aaral na magsumikap ng husto sa kanilang pag-aaral kung kaya’t umaangat na ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay District Supervisor Gng.Irene Pandy, tumaas ngayon ang resulta ng aptitude test ng mga mag-aaral sa kanyang distrito kumpara noong mga nakalpas na taon, at ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga mag-aaral, mga magulang, kawanihan ng DepED at Pamahalaang Panglalawigan.
Ang covered court ng Tayabas West Central Elementary School ay isa lamang sa maraming proyekto ni Gob.Nantes kasama ang 330 mga silid-aralan. Bukod dito ay patuloy sa pagkakaloob ng suporta sa mga day care workers ang gobernador, gayundin sa mga guro sa pamamagitan ng pagsasailalim sa kanila sa mga seminars upang higit na malinang ang kanilang talino na iahahasik sa mga estudyante.
Sumaksi sa simpleng okasyon sina Boaed Member Alona Obispo, Abner Malabanan.Integrated Provincial Health Administrator, mga kapitan at ilang kagawad ng barangay sa Tayabas,Quezon, at mga magulang at mga mag-aaral. Pinangunahan ni Rev Fr. Robert Cadid pagbabasbas sa mga pasilidad.( PGOmb TSM/NMB ) |