GOB. NANTES PINANGUNAHAN ANG TURN-OVER CEREMONY PARA SA 41 COREHOUSING UNITS SA MAUBAN, QUEZON

JULY 1, 2009, LUNGSOD NG LUCENA --- Pinangunahan ni Gobernador Nantes ang pagbibigay ng Certificate of Ownership para sa 41 Core Housing Units na ipinatayo sa Brgy. Bagong Bayan sa Mauban,Quezon, kahapon Hunyo 30, 2009.  Bahagi ito ng 104 core housing unit na laan para sa nasabing bayan.  

Ang pagpapatayo ng mga core housing unit ay bahagi ng pangkaunlarang programa ng Pamahalaang Nasyunal upang maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng libreng pabahay sa mga maralitang mamamayan. 

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Pamahalaang Panglalawigan, Provincial Social Welfare and Development Office at Lokal na Pamahalaan. 

Kasabay sa pamamahagi ng certificate of ownership, pormal na tinanggap nina Gob. Nantes at Mauban Mayor Rexito Bantayan mula sa kinatawan ni DSWD Region IV A  Dir. Honorita Bayudan na si Maura de la Rosa ang tsekeng nagkakahalaga ng P2.8M para sa natitira pang 40 corehousing unit na itatayo sa nasabing bayan sa mga susunod na araw. 

Umabot sa P7,488,000.00 ang ibinigay na pondo para dito ng DSWD, samantalang  P2,550,000.00 na halaga ng Food for Work ang naging kabahagi ng pamahalaang panglalawigan, upang matulungan ang mga benipisyaryo ng core housing unit habang ito ay itinatayo.  Bukod sa food for work nagbigay rin ng 5 jetmatic pumps si Gob. Nantes.

Sa naging mensahe ni Gob. Nantes sa okasyon, binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disente at sariling tahanan.  Aniya ang ibang tao ay nagtitiis na hindi muna makabili ng magagandang damit at maluluhong kagamitan upang makapagpundar ng sariling tahanan, patunay lamang aniya ito na malaki ang pagpapahalaga nating mga Pilipino na magkaroon ng sariling bahay.

Bukod dito ipinaabot ng Gobernador sa mga resident eng Mauban ang tungkol sa  malaking pagbabagong nagaganap ngayon sa lalawigan.   Aniya, ito ay dahilan sa matatapos na ang Marikina-Infanta road Project na magiging hudyat ng malawakang kaunlaran sa lalawigan

Ipapapo-programa na umano niya ang International Container Port sa General Nakar at kapag naipatayo na ito ay dadagsain na ang lalawigan ng mga turista dahil magiging  mabilis na ang daloy ng transportasyon patungong Metro Manila at patungong Quezon Province.

 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary