PNP PROVINCIAL OFFICE, NAG-ULAT KAY GOB.NANTES

HULYO 13, 2009, LUNGSOD NG LUCENA---Iniulat ng Quezon Police Provincial Office ( QPPO ) kay Gobernador Raffy P. Nantes  ang kanilang accomplishment sa nakalipas na limang buwan, kaalinsabay ng pagdaraos ng regular na flag raising ceremony kaninang umaga.

Nagsilbing host ang QPPO sa pang-lunes na pagsisimula ng gawain ng mga kawani ng naglilingkod sa pamahalaan na pinangunahan ni QPPO Director, P/SSupt. Atty. Elmo Francis Sarona.

Isa-isang ipinakilala ni P/Insp. Ernesto Guinauli ang apat na district directors ng Police Mobile Group gayundin ang mga opisyal ng QPPO sa pangunguna ni Provincial Director Sarona at 41 chief of police sa mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Ilan sa mga iniulat ni PD Sarona kay Gob. Nantes ay ang matagumpay na kampanya ng kapulisan laban sa mga nagpuputol ng puno ng niyog, kampanya laban sa iligal na pangingisda, neutralization ng mga wanted person, kampanya laban sa illegal drugs at pagpapalakas ng ugnayan sa mga mamamayan.

Sinabi ni Sarona na sinusuportahan ng lahat ng kapulisan sa lalawigan ang layunin ni Gob. Nantes na mapanatiling maayos at tahimik ang lalawigan . Humingi rin ito ng suporta sa mga kawani ng pamahalaan upang maayos nilang maipatupad ang batas sang-ayon sa  kagustuhan ng nakararami.

Ikinagalak naman ni Gob. Nantes ang resulta ng mga ginagawang kampanya ng kapulisan sa lalawigan laban sa mga  lawless elements. Tinagubilinan ng Gobernador si PD Sarona na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang sektor upang matiyak na matatag ang peace and order sa lalawigan.

Ayon kay Gob. Nantes,  kapag matatag ang peace and order sa lalawigan ay magkakaroon ng political stability, at kapag may political stability ay   aangat ang economic stability ng probinsya at ng bansa. ( PGOmbTSM/NMB ) 
 
July 13, 2009 - PNP Provincial Office, Nag-ulat kay Gob. Nantes
July 03, 2009 - Covered Court ng Tayabas West Central Elementary School pinasinayaan
July 01, 2009 - Turn-over ceremony para sa 41 Corehousing Units sa Mauban
June 22, 2009 - Bisita Opisyal ni Gov. Nantes sa Jomalig at Patnanungan, Quezon
June 16, 2009 - Infanta - Marikina Road, binisita ni Gov. Nantes
June 15, 2009 - Quezon Provincial Day Care Workers Convention
June 08, 2009 - Gov. Nantes - Nagkaloob ng P2.6M halaga ng gamot.
May 20, 2009 - Lucban Pahiyas Festival Dinagsa
May 20, 2009 - 2nd RDC Quarter Meeting
May 20, 2009 - Maubanog Festival
May 20, 2009 - Prestigius Award,Nakamit ng Quezon Council
May 18, 2009 - Gov. Nantes,” NO. 4 National Winner“ , as  Council Chairman ng Boy Scouts of the Philippines ( BSP )
May 18, 2009 - Philippine National Oil Company (PNOC)
May 14, 2009 - Provincial Youth Development Council
May 12, 2009 - Dream Action Plan

May 08, 2009 - 1st Quezon Climate Change Conference

May 07, 2009 - Jatropha Plantation Tagkawayan
April 28, 2009 - 37th QUEZELCO Anniversary